^

PSN Opinyon

Magandang balita sa mga deliquent borrowers

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
NAPAKAGANDANG balita ang inihahatid ng Pag-IBIG sa lahat ng mga miyembro na hindi regular na nakapagbayad ng kanilang mga amortisasyon sa kanilang housing loan.

Nilagdaan ni President Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order No. 281 noong nakaraang Pebrero 9, 2004 na nag-aatas sa lahat ng mga ahensiya at institusyon ng ating pamahalaan na sa ilalim ng National Shelter Program na bigyan ang katugunan ang pangangailangan ng mga delinquent borrowers na mapanatili sa kanila ang mga lupa at bahay na nakasangla sa mga nasabing ahensya.

Kaya bilang katugunan ng nasabing EO, inatasan ng Pag-IBIG ang bawat yunit nito na ipamalita sa mga delinquent borrowers sa pamamagitan ng pagsulat patungkol sa pagpapahaba ng panahon na magsumite sila ng aplikasyon para sa kanilang loan restructuring.

Sa pamamagitan ng loan restructuring, ang mga nasabing miyembro ay magkakaroon ng oportunidad na ma-update ang kanilang mga utang, mapalawig ang termino ng utang at makapag-avail ng mas mababang interes para sa Pag-IBIG loans.

Binibigyan ng Pag-ibig ng 30 araw ang mga Pag-IBIG borrowers na makapagsumite ng kanilang aplikasyon para sa loan restructuring pagkatapos nilang makatanggap ng sulat o makadalo sa seminar na idinaos ng Pag-IBIG tungkol sa nasabing loan restructuring.

Ang programang ito ay nagpapatunay lamang ng sinseridad ng Arroyo administration na bigyang prayoridad at katugunan ang problema sa pabahay.

vuukle comment

BINIBIGYAN

EXECUTIVE ORDER NO

IBIG

KAYA

NATIONAL SHELTER PROGRAM

NILAGDAAN

PAG

PEBRERO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with