Kahilingan ng reader tungkolsa emphysema
March 7, 2004 | 12:00am
ISANG e-mail ang natanggap ng Pilipino Star NGAYON at humihiling na ulitin ang naisulat ko noong February 15, 2003 na may kinalaman sa emphysema. Narito ang e-mail:
Dear Dr. Elicaño, ang akin pong ama ay mayroong emphysema at labis po akong nababahala sa kalagayan ng aking ama. Heavy smokers po ang aking ama at kahit alam nang mayroon siyang sakit na emphysema ay ayaw pang tumigil.
Isa pong kasamahan sa trabaho ang nakabasa ng inyong column at naikuwento sa akin. Inaamin ko na hindi ako regular na bumibili ng PSN subalit mula ngayon ay uugaliin ko na ang pagbili nito.
Maaari po bang i-request na pakiulit ang column ninyo tungkol sa emphysema. RONALD BUENO<[email protected]>
Dear Ronald,
Salamat at mula ngayon ay magiging regular reader ka na ng PSN. Narito ang iyong hinihiling. tungkol sa Emphysema.
Ang emphysema ay isang sakit sa baga na hindi na maaaring gamutin. Ang mga heavy smokers at mga taong nasa lugar na polluted ang hangin ang madalas maging biktima ng sakit na ito. Ipinapayo sa mga smokers na itigil kaagad ang kanilang paninigarilyo para makaiwas sa sakit na ito, o kung hindi maiwasan, siguruhin na ang diet ay mayaman sa antioxidant nutrients. Ang Vitamin C ay mayaman sa antioxidant.
Pinapatay ng antioxidant vitamins ang mga free radicals na pumipinsala sa buhay na cells na nagdudulot ng degenerative disorders. Ang mga free radicals bagamat nasa katawan na ay dumadami dahil sa air pollution o sa pagsisigarilyo.
Ang emphysema ay umaatake kapag ang maliliit na air sacs sa baga ay namaga at ang walls na nakapaligid dito ay nasisira o nasusugatan. Magiging dahilan ito ng pag-impis ng baga at magkakaroon ng reduction sa oxygen na ina-absorbed. Dahil sa nangyayaring ito mag-eexert ng effort ang lungs para mag-expand na magbibigay naman ng strain sa puso kapag nagbomba ng dugo patungo sa mga baga.
Kaya sa kaunting pagkilos gaya ng paglalakad sa kuwarto ay nagdadagdag sa pagtatrabaho ng puso para mag-deliver ng tamang oxygen. In the majority of cases, the added strain eventually leads to heart failure.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended