Botante pa rin ang bida
March 6, 2004 | 12:00am
IBAT ibang political gimmick na ang nagsusulputan sa ngayon. Bukod pa sa ipinalalabas na mga survey ng pribadong sektor na pinaniniwalaang bahagi ng mind conditioning ng masang botante sa buong kapuluan.
Lumamang si Prez GMA ng mahigit sa isang porsiyento sa pinakabagong survey ng Social Weather Station(SWS).
Bahagya namang lumamang si presidentiable FPJ sa inilunsad na survey ng Pulse Asia.
Lubhang nalilito ang mga botanteng mahilig magpapatol sa mga ginagawang tawas ng surveyor na ito, kung saan ay inakala ng marami na bagyo lang ang pino-forecast ng SWS, habang ang Pulse Asia ay resulta lamang ng karera ng kabayo ang bini-vision na lalabas.
Pero marami rin namang presidentiable ang hindi komporme sa mga iniulat na resulta ng survey tulad nina Senator Ping, Evangelist Eddie Villanueva at former Sen. Roco.
Komo nga dehado sila sa mga resulta nito ay hindi kayang tinagin ang kanilang paninindigan na ang masang Pinoy ang siyang hahatol ng eleksiyon sa Mayo 10 hindi ang survey na umanoy may bahid ng pagdududa ang nagmamaniobra.
Ngunit kung ating susuriin ay maraming infra at proyektong naisakatuparan si Prez GMA sa kanyang panunungkulan na hindi matatawaran at hindi rin nagawa ng ibang naluklok sa panguluhan.
Kung kayat lumamang man ito sa survey ay matatawag nating convincing dahilan sa nakauungos ito ng karanasan, kaalaman, at me diskarte sa pagpapaangat ng ekonomiya.
Pero ang taong bayan pa rin ang dapat nating hintaying magdesisyon dahil sa sila talaga ang magsisilbing mahistrado ng halalan, ani ng kuwagong tagahimay ng pulyetos sa Commission on Election.
Oo nga! Kinakailangang huwag na sanang magkamali ang masang Pinoy sa pagpili ng magiging tatay na ay nanay pa ng kinakawawang Republika, sundot naman ng SPO 10 na tanod ng balota sa Camp Crame.
Magkagayon pa man, manalangin na lang tayo na maging mapayapa at maayos ang nalalapit na eleksiyon, kung saan ang sinumang magwagi rito ay tiyak kong may basbas ang nasa itaas.
Samantalang saludo ang Ora Mismo sa pamunuan ng Guardian Luzon Brotherhood sa Sta. Mesa na pinamumunuan ni Brod Allan Unarse. Humingi ng dispensa ang pitak na ito sa bigong pagdalo sa kanilang malaking pagtitipon nitong nakaraang Sabado bunga ng mahalagang bagay na dinaluhan kaugnay ng aming trabaho.
Ang GL na binubuo ng mga Magic Group ang siyang tumutulong sa buong barangay ng nasabing lugar na magpanatili ng katahimikan at kaayusan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended