^

PSN Opinyon

"Emotional Blackmail"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ALAM NA NG LAHAT ANG NAGING PASYA NG MGA MAHISTRADO NG ATING KORTE SUPREMA TUNGKOL SA CITIZENSHIP NI FERNADO POE, JR.

WALA NANG BALAKID SA PAGTAKBO NIYA SA MAY 10, 2004 PRESIDENTIAL ELECTIONS.

KINUNAN NG PAHAYAG ANG MGA IBANG KANDIDATO NA KATUNGGALI NI FPJ SA PAGKAPRESIDENTE AT ANG KOMENTO NI RAUL ROCO AY SIYANG NAKA-INTRIGA SA INYONG LINGKOD.

"NOW WE’RE ON EVEN GROUNDS. BECAUSE OF THE PRESSURE OF MALACAÑANG, FERNANDO POE, JR., ENJOYED THE SYMPATHY OF THE PEOPLE. IT WAS AN EMOTIONAL BLACKMAIL WHICH GAVE MR. POE AN ADVANTAGE AGAINST US. NGAYON PWEDE NA MAG-DEBATE KUNG ANO ANG INI-ALAY NIYA SA ATING BAYAN." MAHIGIT KUMULANG, ITO ANG PAHAYAG NI RAUL ROCO.

MALALIM DI PO BA?

Kung susuriin natin, totoo nga ang sinasabi ni G. Roco. Hindi ko lang alam kung ang Malacañang nga ang nasa likod ng "pressure" sa isyu ng citizenship.

O, gaya ng sinabi ko nung Lunes, handa na raw ang mga supporters ni Da King na maglunsad ng kilos protesta at pati na rin ang mga gov’t agencies sakaling mangyari ito dahil sa paglabas ng desisyon na dinidisqualify si Da King dahil hindi siya Pilipino. Inihalimbawa ko pa nga sa kaso nuon ni Sen. Ping Lacson tungkol sa Kuratong Baleleng Case kung saan inaasahan na lalabasan si Sen. Ping ng warrant-of-arrest at abala ang ating kapulisan sa pagpaplano kung paano huhulihin si Sen. Ping, saan ikukulong, at paano pipigilan ang mga supporters nito sakaling magkaroon ng resistance.

Minsan pa, ipinakita ng ating pinakamataas ng korte sa ating bayan, ang Korte Suprema, na sila ay isang "independent body" na hindi maaring diktahan ng sinuman. Pinoy si Fernado Poe, Jr. tapos na ang isyung ito.

Maski na maghabol pa sa tambol mayor ang Fornier Brothers sa kanilang paghain ng Motion for Reconsideration, nabantilawan na ang isyung ito.

Si dating National Archives Director Ricardo Manapat, magiging abala sa mga kasong dapat niyang harapin.

Bumalik tayo sa sinabi ni Raul Roco tungkol sa "emotional blackmail."

Maaring totoo nga ito dahil lumabas na dehado si Da King sa pagpapahirap na dinaanan niya upang patunayan lamang na Pilipino siya. Alam naman nating lahat na ang Pinoy ay laging dehadista. Kampi sa mga inaapi.

Subalit sa mga panghahamon ni Raul Roco upang sumali si Da King sa debate, hindi ba "intellectual blackmail" naman ang ginagawa nito?

Walang duda, mas sanay ka G. Roco sa larangan ng pagharap sa tao at pagtatalumpati pagdating sa isyu ng politika. Isa ka ng beterano dito. Traditional Politician, ika nga. (Trapo ba tawag dun?)

Kung ayaw sumali ng isang tao sa debate, bakit kailangan may pilitan.

"Usually, ina Democratic type of government, a two party system like in the United States of America, a debate is initiated by the candidate who is lagging behind in the surveys."

Napakarami naman kasing tumatakbo sa pagkapresidente sa ating bayan. Sino ba ang mas makikinabang sa debateng ito. Kung matalino ang ating mga botante, alam nila kung sino ang dapat mamuno sa ating bansa.

Ang mga supporters ni Da King ay "die-hard" followers niya. Hindi na sila matitinag. Ang mahahabol na lang sa isang public debate ay ang mga "swing votes" ng mga taong hindi pa lubusan nakakapagdesisyon kung sino nga ang dapat ihalal. Sa tingin niyo ba G. Roco, Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, Sen. Ping Lacson, Bro. Eddie Villanueva at pati na rin ikaw, Eddie Gil, mahihikayat n’yo pa ang mga solid FPJ supporters. Malabo yata yan.

Sa isang isyu naman, maraming mga white papers ang lumalabas laban kay Kabayan Noli De Castro. Maraming akusasyon. Iba rito ay nailabas na nuon pa at tila walang bago. Hindi rin makatarungan para kay kabayan Noli ang mga ganitong paratang na hindi naman lumulutang ang mga taong umaakusa sa kanya.

Isa lang ang gusto kong tanungin? Yung bansag na KABAYAN, original ba yan kay Noli De Castro? Kung hindi ako nagkakamali, si Gerry Geronimo ng ATING ALAMIN ang unang gumamit nito. Nakilala siyang si kabayang Gerry Geronimo. Sabagay, uso naman ang agawan matapos ang termino ni dating Pangulong Diosdado Macapagal at sa pag-upo ni Ferdinand Marcos.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA CALVENTO FILES "7788442.

Kailangan bang sumali si FPJ sa debate o hindi na? Anong nasa isip n’yo?

ATING

DA KING

GERRY GERONIMO

KUNG

PING LACSON

RAUL ROCO

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with