Debate ng mga presidentiables kailangan
March 5, 2004 | 12:00am
IBAT IBA ang ginagawang gimik ng mga nangangampanyang kandidato. May kumakanta at sumasayaw na parang nag-iistage show kasama ng mga artistang bitbit nila. Totoong nakakaaliw sila pero hindi lang dapat ma-entertain ang taumbayan. Higit sa lahat ay dapat na ipaalam ng mga kandidato ang kanilang plataporma de gobyerno. Dapat nilang ilahad kung paano nila matutugunan ang maraming problema ng bayan gaya ng kahirapan, kawalan ng trabaho, corruption sa gobyerno at krimen. Dapat na ipaliwanag nila ang kanilang policy sa economy, security, foreign relations at iba pa.
Si presidentiable Raul Roco ang naunang nagpanukala na dapat na magkaroon ng nationwide television debate ang mga kandidato sa pagka-pangulo. Sinabi ni Roco na alam niyang sina Bro. Eddie Villanueva at Senador Ping Lacson ay handang makipag-debate at bibigyan niya ng partida sina FPJ at PGMA.
Sa debate ay malalaman ng mga botante kung may kaalaman at karanasan ang ihahalal nilang presidente na dapat maging maka-Diyos at makatao at may liderato para maibangon ang isang bansang patuloy ng lumulubog sa kumunoy na sandamukal na utang kabilang na ang foreign debts, mga karahasan ng mga elementong kaaway ng lipunan at ang lumulubong populasyon na sanhi ng pagdarahop at pagkaduhagi. Sa madaling salita ang presidential debate ay barometro kung sino ang matalino at bobo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am