^

PSN Opinyon

Mapait na ganti sa magigiting

SAPOL - Jarius Bondoc -
NU’NG nakaraang linggo pala naganap ang pinaka-magiting at pinaka-mapait na bahagi ng relasyong Pilipino at Amerikano: Peb. 23, 1945 nang lusubin ng mga Pilipinong USAFFE gerilya at Amerikanong paratroops ang prison camp ng Hapones sa Los Baños, Laguna. Pinalaya ang 2,147 Amerikanong nakatakdang bitayin. Nagwala ang mga sundalong Hapon; kinatay ang mga pamilya ng mga gerilya sa mga paligid-bayan. Binayoneta pati ang mga nagtago sa simbahan.

Makalipas ang isang taon nu’ng Peb. 18, 1946, mapait ang gantimpala ng Amerika. Pinasa ng US Congress ang Rescission Act. Hindi na kikilalanin ang serbisyo sa USAFFE (United States Army Forces in the Far East) nilang pagsilbi sa US Armed Forces. Tinalikuran ang pinangakong benepisyo sa mga Pilipinong gerilya at beterano.

Bilang paggunita sa ika-59 na anibersaryo ng Los Baños raid, pinalabas ng History Channel sa US ang docu-series na Rescue at Dawn mula Peb. 15. Apat na sundalo at isang bihag ang nagsalaysay ng kagila-gilalas na kabanata ng kasaysayan. Sabi pa ni US State Sec. Colin Powell, wala nang dadaig pa sa kagitingan nga ng mga kasapi sa misyon.

Nu’ng ika-58 anibersaryo nu’ng nakaraang buwan, 75 Pilipinong beterano ay tumungo sa US Federal Building sa San Francisco, California. Hiningi nila ang pagpasa ng Filipino Veterans Equity Bill bilang pagbura sa Rescission Act. Anang uugud-ugod na Regino Pascua sa kanyang mga kapatid sa digmaan habang itinataas ang kandila sa malamig na gabi, "ito na ang ating huling laban."

Mahigit 300,000 Pilipino ang nakidigma sa bandera ng USAFFE. Lumaban silang kasing-galing, kasing-hirap, kasing-sigasig ng mga Amerikano. Halos 29,000 na lang ang natitira, 8,000 ang nasa Amerika, puro edad-70 at 80. Kung bawiin ng US ang Rescission Act, pormal nang kikilalanin ang kanilang kagitingan. Magagantimpalaan sila tulad ng benepisyo ng regular na sundalong Amerikano.

Bahagi sila ng kasaysayan. Sila ang ating mga ama at lolo.

vuukle comment

AMERIKA

AMERIKANO

AMERIKANONG

ARMED FORCES

COLIN POWELL

LOS BA

PEB

PILIPINONG

RESCISSION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with