Ang halaga ng dibidendo para sa 2003 ay mas mataas ng 12.3 percent kumpara sa dibidendo noong nakaraang taon na umabot lamang sa P3.7 bilyon. Patunay lamang ito sa katatagan ng Pag-IBIG Fund. Ang malaking dibidendo ay resulta ng pagpapabuti ng sistema ng koleksiyon sa mga pautang sa pabahay at maingat na patakaran sa investment.
Matatag po ang aming paninindigang mapanatili ang katatagan ng pag-IBIG Fund para sa mga miyembro. Dagdag dito, napakahalaga ng papel ng Pag-IBIG sa kabuuang programa ng pabahay ng gobyerno, bilang ahensiyang pinansiyal na nagpapautang sa mga miyembrong nagnanais magkaroon ng sariling bahay at maging sa mga developers na gustong magtayo ng mga proyektong pabahay. Maging ang mga lokal government units o lokal na pamahalaan ay maaari na ring umutang sa Pag-IBIG Fund para sa mga lokal na proyektong pabahay.
Ang mga miyembro po ng Pag-IBIG Fund ay maaaring magtanong tungkol sa inyong Total Accumulated Value (TAV) sa inyong Pag-IBIG Branch.