^

PSN Opinyon

Pag-IBIG: P 4.2-B dibidendo para sa mga miyembro

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAGANDANG balita para sa mahigit limang milyong miyembro ng Pag-IBIG Fund sapagkat may P4.2 bilyon ang halaga ng dibidendo para sa taong 2003. Ang dibidendong ito ay idadagdag sa Total Accumulated Value (TAV) ng mga miyembro. Ang TAV ay ang halaga ng pinagsamang personal na kontribusyon ng miyembro na kinakaltas sa suweldo ng miyembro buwan buwan. Ang counterpart na kontribusyon mula sa employer at lahat ng dibidendo.

Ang halaga ng dibidendo para sa 2003 ay mas mataas ng 12.3 percent kumpara sa dibidendo noong nakaraang taon na umabot lamang sa P3.7 bilyon. Patunay lamang ito sa katatagan ng Pag-IBIG Fund. Ang malaking dibidendo ay resulta ng pagpapabuti ng sistema ng koleksiyon sa mga pautang sa pabahay at maingat na patakaran sa investment.

Matatag po ang aming paninindigang mapanatili ang katatagan ng pag-IBIG Fund para sa mga miyembro. Dagdag dito, napakahalaga ng papel ng Pag-IBIG sa kabuuang programa ng pabahay ng gobyerno, bilang ahensiyang pinansiyal na nagpapautang sa mga miyembrong nagnanais magkaroon ng sariling bahay at maging sa mga developers na gustong magtayo ng mga proyektong pabahay. Maging ang mga lokal government units o lokal na pamahalaan ay maaari na ring umutang sa Pag-IBIG Fund para sa mga lokal na proyektong pabahay.

Ang mga miyembro po ng Pag-IBIG Fund ay maaaring magtanong tungkol sa inyong Total Accumulated Value (TAV) sa inyong Pag-IBIG Branch.

DAGDAG

DIBIDENDO

FUND

IBIG

MATATAG

MIYEMBRO

PAG

PATUNAY

TOTAL ACCUMULATED VALUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with