EDITORYAL - Anak ng jueteng talaga !
February 28, 2004 | 12:00am
KUNG gagawing legal ang jueteng, maaari na ring gawing legal ang shabu at ang prostitution. Gawin na ring legal ang pangongotong at ang talamak na pagnanakaw sa mga ahensiya ng gobyerno. Gawin na ring legal ang smuggling at ang pagputol ng mga punong kahoy. Gawin nang legal ang lahat. Tatawagin na ang Pilipinas na bansa ng mga illegal. Kung gagawing legal ang jueteng at ang iba pang masasamang bagay, wala nang illegal dito at maaari nang buwagin ang Senado at wala nang Korte Suprema. Hindi na kailangan sapagkat wala nang illegal.
Ang proposal na gawing legal ang jueteng ay iminungkahi ng mga lider negosyante sa susunod na presidente ng bansa. Ang mga business leaders na may platapormang "2004 Presidential Business Agenda" ay naghain ng mga proposals at isa nga rito ang paglegalize sa jueteng. Kabilang sa mga proposals ay ang pagbabawas sa congressional pork barrel ng 50 percent, pag-aalis sa moratorium ng death penalty, pagpapataw ng tax sa text messages at sa kita ng mga oil companies, at maraming iba pa.
Ang proposal na gawing legal ang jueteng ang isa sa mga kontrobersiyal. Pagkaraan nang mahabang panahon na paglaban ng pamahalaan para maipatigil ang sugal na ito, ay saka naman sumulpot ang mga negosyanteng nais na itong gawing legal. Isang proposal na kumukontra sa pagnanais ng pamahalaan na madurog ang nasabing sugal. Gaano karaming pawis na ang naiukol para lamang mabuwag ang jueteng at ngayon naman ay gagawing legal.
Kapag naging legal ang jueteng, kasunod na nito ay ang paglaya ni dating President Joseph Estrada. Lalambot ang sinumang presidente na mahahalal sa May 10 election at maaaring patawarin na si Estrada na napatalsik sa puwesto noong 2001 dahil nagkamal ng pera sa jueteng payola. Ang jueteng ang pinag-ugatan ng lahat kung bakit napatalsik si Estrada. Kung legal na ang jueteng, maaatim pa bang ikulong ang presidenteng nasangkot sa sugal na ito. Mahirap yata.
Naumpisahan nang durugin, bakit hindi pa ipagpatuloy. Kapag naging legal, para na ring ang gobyerno ang naglubog sa mamamayan para maging sugarol. Karamihan sa mga suki ng jueteng ay ang mga maliliit o mahihirap. Sa pagtaya sa jueteng nila iniaasa ang bukas gayong marami namang paraan. Ang perang pambili nila ng bigas at ulam ay naitataya pa sa pag-asang mananalo. Hindi nila alam, ang bankero ng jueteng ang yumayaman at ang mga mananaya ay nabaon sa utang.
Gawing legal ang anak ng jueteng at nang maagang maturuan ang mga kabataan sa pagtaya rito. Ipaunawa kung paano tumaya at madaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest