^

PSN Opinyon

"Ang manyak na si Bertito Montuya"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SI MELODY, LABING TATLONG TAONG GULANG PA LAMANG, WALANG KAMUANG-MUANG SA MUNDO NG SEX, AY WALANG AWANG GINAWANG SUNUD-SUNURAN NG SUSPECT NA SI BERTITO MONTUYA, ISANG JEEPNEY DRIVER MULA SA BINANGONAN, RIZAL.

Nakarating ang kaso ni Melody sa aking kaalaman ng lumapit ang kanyang ina sa programang "Isumbong mo kay Tulfo" hosted by Ramon Tulfo, tuwing Sabado, RPN 9 from 6 to 7 ng gabi.

Bilang director ng programa ni kaibigang Mon, nagkaroon ako ng pagkakataong marinig ang kanyang pahayag na hinawakan ng researcher na si Alin Ferrer.

Ayon kay Melody, nagsimula ang panghahalay sa kanya tatlong taon na ang nakararaan. Sa isang sinumpaang salaysay, dinetalye ni Melody ang mga kababuyan na ginawa ni Bertito Montuya sa kanya.

Si Montuya ay kaibigan ng mga magulang ni Melody kaya’t malaya siyang nakakapasok sa bahay ng pamilya ni Melody at dun na niya pinag-isipan ng masama ang batang ito.

Inaabangan ng suspect, ayon kay Melody, sa kanyang eskwelahan at isinasakay sa kanyang jeepney. Dinadala siya sa isang madamong lugar sa Masagana Village, sa Binangon, Rizal.

Mga unang lingo ng September 2001 nang mag-umpisa ang pang-aabuso ng suspect sa kanya.

Ayon kay Melody, "pagdating po naming sa madamong lugar, "dinaliri niya ang ___ko at _____niya ang dibdib ko. Hinahalikan niya ako sa labi at pagkatapos, ipinasubo niya ang kanyang ___. Matapos nung, ipinasok niya ang kanyang____sa aking _____!"

Nagpatuloy ang ganitong kahalayan at dahil sa tinding takot sa suspect, hindi nakuha ni Melody na magsumbong sa kanyang mga magulang.

Gaya ng madalas kong sabihin, "walang katotohanang hindi nabubunyag" dumating ang pagkakataon na may nakakita sa suspect sa ginawa niyang pangsasamantala sa biktima. Dalawang bata ang nakakita sa kanya. Tinakot ng suspect ang mga bata at sinampal pa ito.

Ang ginawa ng dalawang bata ay nagsumbong sila sa ina ni Melody tungkol sa kanilang nakita. Agad naman umaksyon ang ina ni Melody at inereport sa pulis si Bertito Montuya.

Pinasuri nila ang biktima at lumabas sa medico-legal examination na nasa non-virgin state na ang bata sa murang edad nitong 13 yrs. old pa lamang. May nakitang mga healed penetrations sa 6’oclock, 9 o’clock positions ng vagina ng bata.

Kinasuhan si Bertito Montuya. Palibhasa guilty ang manyak na ito, nagtago agad siya. Ilang taon din ang dumaan hanggang may impormanteng lumutang upang magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspect.

Nasa Sta. Barbara, Pangasinan daw si Montuya. Agad nagpadala kami ng staff sa lugar kasama ang ina ni Melody at ang impormante at sa sigasig ni Alin Ferrer, kahit lingo nakipag-ugnayan sila sa Sta. Barbara Police Station upang maiserve ang warrant-of-arrest.

Kasama ang mga pulis ng Sta. Barbara at ang kanilang hepe na si Sr. Inspector Lenbell Fabia, nahuli ang suspect na si Bertito Montuya.

Gaya ng inaasahan, itinatanggi ng suspect ang kaso laban sa kanya.

Ayon kay Montuya, dinadala lang daw niya si Melody sa damuhan upang "makipagkwentuhan." Wala daw siyang ginawa kundi halikan sa pisngi si Melody.

ISA PONG NAPAKA-INTERESTING NA KASO ANG INYONG MATUTUNGHAYAN BUKAS SA "ISUMBONG MO KAY TULFO."

6 to 7 pm sa RPN 9. HUWAG N’YONG KALILIMUTAN.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES" 7788442.

*Nais ko pong idagdag, na marami pong nagbigay ng impormasyon tungkol sa isinulat kong bidding sa LTO na naka-address kay Secretary Leandro Mendoza. Ang mga impormasyon na kinakalap natin ay ibinigay ng mga taga LTO na rin tungkol sa anomalya sa bidding at may impormasyon na I-lifestyle check natin ang ilang miembro ng bidding committee dahil sa kanilang mga malalaking bahay at ari-arian. Nagpapasalamat po kami sa mga tumawag at asahan ninyo na ipaaabot naming ito kay Sec. Larry Mendoza.

vuukle comment

ALIN FERRER

AYON

BARBARA POLICE STATION

BERTITO MONTUYA

KAY

MELODY

MONTUYA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with