EDITORYAL - Anong nangyayari sa Camp Crame?
February 27, 2004 | 12:00am
HINDI na maganda ang nangyayari sa Camp Crame, tahanan ng Philippine National Police (PNP). Noong nakaraang taon pa nagsimula ang mga kakatwang pangyayari rito at tila hindi pa matatapos hanggat hindi nagkakaroon ng masusing pagsisiyasat ang mga kinauukulan. Ang mga nangyayari ay naglalagay sa kanila sa kontrobersiya.
Katibayan ng mga kakatwang nangyari sa Camp Crame ay ang pagkakatakas ng drug trafficker noong nakaraang taon. Nilagari ang bakal na rehas doon. Nagdaan sa likod at presto malaya na. Hanggang ngayon hindi nahuhuli ang drug trafficker. Misteryo kung paano naipasok ang lagaring-bakal. Kakahiya na isang kampo ang matatakasan ng preso.
Sa Camp Crame rin tumakas ang teroristang si Fathur Rohman Al-Ghozi. Napatay naman si Al-Ghozi pagkaraan ng ilang buwan. Binatikos ang Crame dahil sa palpak na seguridad. Marami ang nagsabing maaari palang lusubin ang Crame ng mga kalaban dahik sa mahinang seguridad.
Sa Crame rin may nakapag-aamok dahil sa kaluwagan ng mga guwardiya. Tiwalang-tiwala ang mga guwardiya sa isang miyembro ng Abu Sayyaf at inilabas ito ng kulungan para makapag-paaraw. Nang-agaw ito ng M-16 rifle at pinagbabaril ang bawat makitang tao sa Crame. Tatlo ang napatay ng amok bago napatay ng mga nagresponde.
Kamakalawa, isa na namang nakagugulantang na balita tungkol sa Camp Crame ang bumulaga sa mamamayan: Nasunog ang armory doon. Karaniwan na ang mga nagaganap na sunog ngayon dahil malapit na ang tag-init pero ang masunog ang armory sa isang kampo ay lubhang kataka-taka. Hindi bat pinag-iingatan ang armory dahil dito nakalagay ang mga armas? Hindi bat nasa isang ligtas na lugar ito?
Ayon sa spokesman ng PNP, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog ng nagsimula dakong alas-tres ng hapon. Itinanggi naman na sabotahe o mga terorista ang may pakana ng sunog. Nagkaroon ng mga pagsabog sa building na kinaroroonan ng mga bala, baril at bomba. Dahil sa lakas ng apoy, kinansela ang pagbibiyahe ng MRT. Ang pangyayari ay nataon naman sa 18th anniversary ng EDSA revolution.
Nasunog ang mga M-16 rifles na umanoy idi-distribute na sa mga pulis. Baril na naging abo pa. Lalo nang magiging kawawa ang kapulisan sapagkat kulang na kulang ang baril para labanan ang mga kidnapper, holdaper at iba pang masasamang loob.
Ano pang susunod na balita sa Crame? Baka mas grabe pa. Kailangang kumilos ang kinauukulan sa mga kakatwang nangyayari sa Crame.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am