Maraming pera, pero hirap pa rin ang Pinoy
February 26, 2004 | 12:00am
MALAKING pera na umano ang nagagastos ng mga kandidato mula sa mga presidentiables at mga pang-nasyunal na posisyon hanggang sa mga pang-lokal na tumatakbo. Siguro nga, sapagkat naglabasan na ang mga political advertisements ng mga kandidato sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, billboards, streamers at mga posters maliban sa mga ipinamumudmod na leaflets at iba pang mga political materials.
Limpak-limpak na pera rin ang maliwanag na ibinubuhos sa mga taong hinahakot ng mga political leaders para mapuno ang itinatanghal nilang mga motorcades at grand rallys. Alam naman natin na bayaran ang karamihan sa mga taong tinatawag nilang mga pala na taga-sigaw at taga-palakpak sa mga pagtitipong nasabi. Siyempre, hindi naman parating libre at walang bayad ang mga artista, entertainers at mga cheerleaders na nagpapasaya at umaakit sa mga botante.
Siyempre, malaki rin ang budget na inilalaan para sa mga renta ng mga headquarters, suweldo ng mga tauhan, staff, personnel at mga sasakyang ginagamit ng mga ito maliban sa ginagamit ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya kasama na rito ang mga eroplano at helicopters. Marami pang mga bagay na pinagkakagastusan na hindi na natin iisa-isahin pa na katulad ng mga lagay at allowances ng mga field campaigners.
Nasisiguro kong daan-daang milyon na kung hindi man bilyun-bilyon na ang nilalaspag ng mga kandidatong pang-nasyonal na katulad ng ilang presidentiables at senatoriables. Balita rin namin na malaking salapi na rin ang ipinakalat para sa mga gobernador, mayors, barangay chairmen at iba pang mga lokal na opisyal.
Pero, bakit sa laki ng kumakalat na salapi, hirap pa rin ang ating mga mamamayan? Marami pa rin ang nagugutom at hindi nakikitaan ng paghusay ng pamumuhay? Nasaan ang daan-daang milyon o bilyong pisong lumabas na sa bulsa ng mga kandidato? Bakit pabagsak pa rin nang pabagsak ang halaga ng ating piso laban sa dolyar? Hindi pa rin gumaganda ang ating ekonomiya at talamak pa rin ang kriminalidad sa ating bayan? Baka naman ang hinihintay pa ay ang ilang bilyong piso pang ilalarga ng mga kandidato sa mga susunod na buwan? Tutal, mahigit pang dalawang buwan bago mag-eleksyon. Kawawang Pinoy. Sa dami ng perang kumakalat, hirap pa rin ang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended