^

PSN Opinyon

Balik-tanaw sa EDSA 1

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYON ang ika-18 anibersaryo ng EDSA I revolution na nagpabagsak sa rehimen ni yumaong President Ferdinand Marcos.

Sa loob ng dalawang dekada ay sumailalim ang sambayanang Pilipino sa Martial Law. Tinaguriang Bagong Lipunan, hangad ni Marcos na manatili sa kapangyarihan sa habang panahon subalit nagkaisa ang mamamayan na buwagin ang kamay na bakal niyang pamamahala.

Napatunayan na nasa pagkakaisa ang tagumpay. Mga estudyante, mga manggagawa, mga taong gobyerno, mga ginang ng tahanan at mga relihiyoso ang nagsasagawa ng People’s Power One na nagpabantog sa Pilipinas sa buong mundo. Muling nanumbalik ang demokrasya at kapayapaan at naluklok bilang presidente si Corazon Aquino, ang biyuda ng martir na si Ninoy Aquino.

Labing-walong taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilom ang sugat ng mga naging biktima ng martial law. Umaasa sila na mabibigyan ng katarungan ang kaapihan ng mga human rights victims kapag makamtan nila ang bahagi ng sinasabing nakaw na yaman ng mga Marcos. Umaabot sa 658 milyong dolyar ng Marcos ill-gotten wealth na nilagak sa Swiss Bank at ngayon ay nakadeposito sa PNB ang nakatakdang ipamahagi sa mga biktima gayundin sa Agrarian Reform Program.

Ang tanong ng BANTAY KAPWA, ang naturang halaga kaya ay makarating sa mga totoong biktima? Hindi kaya mapunta sa ‘‘wrong hands’’ at gamitin sa maling paraan?

AGRARIAN REFORM PROGRAM

CORAZON AQUINO

LABING

MARTIAL LAW

NINOY AQUINO

POWER ONE

PRESIDENT FERDINAND MARCOS

SWISS BANK

TINAGURIANG BAGONG LIPUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with