^

PSN Opinyon

Miyerkules ng Abo

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday. Sa Misa, ang mga mananampalataya ay tumatanggap ng abo sa kanilang noo. Sinasabi ng pari habang kanyang nilalagyan ng abo ang isang tao: "Alalahanin mo, tao, na ikaw ay alabok at sa alabok ikaw ay babalik."

Sa ebanghelyo ngayon, ipinapaalala sa atin ni Mateo kung paano tayo dapat manalangin at mag-ayuno (Mt. 6:1-6,16-18).

"Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan.

Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit na sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim.

"Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at panulukang-daan, upang Makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim.

"Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo."


Kapag tayo’y nagdarasal, huwag nating ipakita ito. Kapag tayo’y magsisimba o dadalo sa Misa, hindi tayo nagbibihis nang husto upang magpakitang-gilas sa iba. Kapag tayo’y nagdarasal, nananalangin tayo ng lihim. At kapag tayo’y nag-aayuno, hindi rin natin dapat ipakita kung gaano tayo kagutom.

Ang gutom na ating nararamdaman ay iniuugnay at ipinakikiisa natin sa mga paghihirap ni Jesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ang Miyerkules ng Abo ay umpisa ng 40-araw ng Kuwaresma.

ANG MIYERKULES

ASH WEDNESDAY

HUWAG

IYONG

KAPAG

NGUNIT

SINASABI

TAYO

TINANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with