Naaprubahan ang bagong guidelines para sa Pag-IBIG Fund LGU Housing Program upang matulungan ang mga LGUs na mapabilis ang kanilang pagpapatupad ng mga lokal na programang pabahay. Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga LGUs ay maaaring humiram ng hanggang P100 milyon para sa bawat phase ng proyektong pabahay subalit hindi ito dapat mas hihigit sa 40 percent ng production cost, kung alin man ang mas mababa.
Maaari ring magtayo ang mga LGUs ng mga medium rise o high rise buildings kung saan maaari silang humiram hanggang 60 percent ng project cost o hanggang P200 milyon, kung alin man ang mas mababa. Sa ilalim ng dating guidelines, maaari lang humiram ang mga LGUs hanggang P20 milyon.
Ang LGU Housing Loan ay maaaring gamitin upang i-develop ang isang residential subdivisions at medium rise housing buildings o upang makapagpapatayo ng housing units na maaaring utangin ng mga Pag-IBIG members. Subalit ang LGU Housing Loan ay hindi maaaring gamitin sa pagbili ng lupa. Ang interes sa bagong guidelines ay 9 percent lamang bawat taon kumpara sa 11-17 percent sa lumang guidelines.