^

PSN Opinyon

Pag-Ibig Housing Loan sa mga LGUs

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
BILANG bahagi pa rin ng pagsisikap ng administrasyong Arroyo na magpatupad ng disente at maayos na pabahay para sa lahat, ang mga Local Government Units (LGU) o pamahalaang lokal ay maaari ng umutang nang mas malaki mula sa Pag-IBIG o Home Development Mutual Fund para sa kanilang proyektong pabahay sa kanilang mga lugar. Ito ay magandang balita para sa mga LGUs na gustong magpatupad ng proyektong pabahay para sa kanilang mga constituents subalit kulang sa pondo.

Naaprubahan ang bagong guidelines para sa Pag-IBIG Fund LGU Housing Program upang matulungan ang mga LGUs na mapabilis ang kanilang pagpapatupad ng mga lokal na programang pabahay. Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga LGUs ay maaaring humiram ng hanggang P100 milyon para sa bawat phase ng proyektong pabahay subalit hindi ito dapat mas hihigit sa 40 percent ng production cost, kung alin man ang mas mababa.

Maaari ring magtayo ang mga LGU’s ng mga medium rise o high rise buildings kung saan maaari silang humiram hanggang 60 percent ng project cost o hanggang P200 milyon, kung alin man ang mas mababa. Sa ilalim ng dating guidelines, maaari lang humiram ang mga LGUs hanggang P20 milyon.

Ang LGU Housing Loan ay maaaring gamitin upang i-develop ang isang residential subdivisions at medium rise housing buildings o upang makapagpapatayo ng housing units na maaaring utangin ng mga Pag-IBIG members. Subalit ang LGU Housing Loan ay hindi maaaring gamitin sa pagbili ng lupa. Ang interes sa bagong guidelines ay 9 percent lamang bawat taon kumpara sa 11-17 percent sa lumang guidelines.

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOUSING LOAN

HOUSING PROGRAM

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MAAARI

NAAPRUBAHAN

PAG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with