Pampublikong benepisyo
February 24, 2004 | 12:00am
SI Naty ay assistant ng RDO na itinalaga sa Revenue District Office No. 34. At dahil ang kanyang amo, ang revenue district officer ay malapit nang magretiro, sumulat ang RDO sa Commissioner ng BIR para imungkahi si Naty sa nasabing posisyon. Gayunman, isang empleyado ang itinalaga ng Commissioner upang palitan ang magreretirong RDO.
Sa kabilang banda, nakatanggap si Naty ng Revenue Travel Assignment Order (RTAO) kung saan inilipat siya sa opisina sa Quezon City bilang Asst. Division Chief of the Collective Programs Division. Ang order ay nagtakda rin ng 12 direktor ng mga rehiyon, mga assistant ng RDO at mga asistanteng teknikal.
Ang lahat na empleyadong naapektuhan ng order na ito ay sumunod maliban kay Naty. Sa halip na tanggapin ang paghihirang sa kanya, nagsampa siya ng petisyon sa RTC para pigilan ang bagong hinirang na assistant ng RDO 34 na pumalit sa kanya. Ayon kay Naty, ang paglilipat daw sa kanya ng Commissioner base sa nasabing order ay isang makapritso, mapangyamot at mapanghiganti sa isang empleadong umuusisa sa mga aksyon ng Commissioner. Higit pa rito, ang RTAO raw ay isang demosyon dahil ang posisyong itinakda sa kanya ay walang pagtatasa at salungat sa kanyang kakayahan bilang assistant ng RDO. Wala rin siyang kaalaman sa serbisyo ng pagkokolekta. Isa itong paglabag sa Executive Order na nagbabawal ng paglilipat ng mga empleado na magreresulta ng dislokasyon. Tama ba si Naty?
MALI. Ang RTAO ay hindi naglalayon na si Naty ay balisahin dahil hindi lamang siya ang naitakda ng nasabing order. Walang demosyon sa ranggo, suweldo, katayuan at responsibilidad ni Naty. May awtoridad ang Commissioner na maglipat at magtakda ng mga empleado ng komisyon kapag kailangan ang kanilang serbisyo. Ang pagtatakda ay may layuning maiwasan ang lubos na pagkakakilanlan at patronasyon sa pagitan ng mga empleado ng BIR at mga nagbabayad ng buwis sa isang lugar.
Ang mga programa ng gobyerno ay maaapektuhan kung aayunan ang hindi pagsunod ni Naty dahil sa paniniwalang isa itong demosyon pati na ang opinyon ng mga empleado ng gobyerno. Salungat ito sa prinsipyo na kailangan ang pagtitiwala sa pampublikong tanggapan at hindi para sa personal na benepisyo.
Hindi rin napatunayan ni Naty na mayroon siyang ganap na karapatan sa posisyon bilang assistant ng RDO 34. Kaya, kailangan niyang sundin ang bagong posisyon na itinakda sa kanya. (Chato et. al. vs Zenarosa et. al. G.R. No. 120539 October 20, 2000)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest