^

PSN Opinyon

Dalawang kongresista,nag-aagawan sa P40-M prok barrel

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang nag-aagawan sa P40-milyong pork barrel ang dalawang kongresista?

Ayon sa aking bubwit, 77 days na lang, eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Bro. Ruel Manalo, Lory Cabanes, Tony Katigbak ng Philippine Star; Irene Ebron ng DZRH at Dong Suarez ng Romblon.
* * *
Alam n’yo bang nagtalo ang dalawang kongresista sa Metro Manila dahil sa kanilang pork barrel fund.

Ayon sa aking bubwit, ang dating kongresista sa Metro Manila ay idineklara kamakailan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na hindi pala nanalo noong nakalipas na eleksyon.

Kung kailan naman kasi ilang buwan na lamang ay mag-eeleksiyon na ay saka lamang nagdesisyon ang electoral tribunal.

Ang malungkot ang natalong kandidato na nakaupo ngayon ay ayaw umalis sa kanyang posisyon.

Kung hindi pa makialam ang liderato ng Kamara ay hindi pa siya aalis sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa.
* * *
Ayon sa aking bubwit, dahil kapit tuko sa puwesto ang natalong kongresista, maniwala ba kayo na isang araw lamang nakaupo sa kongreso ang nanalong kongresista.

At nang alamin ng nanalong kongresista kung may natira pang pork barrel ang pinalitang mambabatas, natuklasang meron pa palang hindi naire-release na pork barrel na P40 milyon.

Nang tangkain nitong bagong kongresista na kunin ang nasabing pork barrel.

Hinarang ng natalong kandidato.

Kinausap pa diumano si House Speaker Joe de Venecia na huwag aprubahan ang CDF ng bagong kongresista.

Pero dahil mag-eeleksiyon na, nagpumilit ang bagong deklarang nanalong kongresista na makuha ang budget.

At dahil siya nga naman ang may karapatan nang kumuha sa CDF na P40-milyon ang talunang congressman ay nakiusap sa nanalong congressman.

Ang sabi ay bigyan na lang daw siya ng P10-milyon mula sa P40-milyon at hindi na siya tututol.

Hanep, dahil sa CDF ay nag-aaway pa.

Kaya tama lang siguro na alisin na ang pork barrel ng mga kongresista ano.
* * *
Ayon sa aking bubwit, ang nagtalo tungkol sa P40-milyong pisong CDF ay sina...

Sila ay parehong taga-Pasig City.

Ang naka-upo ng matagal subalit naideklarang natalo pala ay si dating Congressman Henry Lanot.

Ang nanalo naman ay si congressman Toti Cariño.

ALAM

AYON

BATASANG PAMBANSA

CONGRESSMAN HENRY LANOT

DONG SUAREZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

HOUSE SPEAKER JOE

KONGRESISTA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with