^

PSN Opinyon

Piso lugmuk na lugmuk na lugmuk na

- Al G. Pedroche -
ANG sobrang umiiral na pamumulitika sa bansa ay nagpipinta ng masamang imahe ng bansa. Na ang Pilipinas ay politically unstable. Dahil diya’y nagsisilayas sa bansa ang mga investors tangay ang kanilang dolyar na puhunan. Nakababahala na ito.

Mantakin n’yong sa tuwing babagsak ang piso ay laging all time low o pinakamababa sa kasaysayan ng bansa. Narinig kong kinakapanayam sa radyo ang isang cabinet secretary. Hindi ko nakuha ang kanyang pangalan pero natatandaan ko ang kanyang sinabi. Na sa susunod na tatlong buwan ay malamang bumulusok ang halaga ng piso sa pinakamababang halagang P70 sa bawat dolyar.

Puro pakonsuwelo de bobo ang naririnig nating reaksyon sa pamahalaan. Na ang situwasyon ay pansamantala. That we are not helpless despite the fall of the peso, etc.

Hanggang kailan makakaagwanta ang taumbayan lalu na yung mga mahihirap habang mabilis nawawalan ng halaga ang pisong nasa kanilang kamay? Maaaring magpapasasa yung mga nagtatrabaho sa ibang bansa na ang sinasahod ay dolyar. Kapag ni-remit sa Pilipinas, tiyak mas maraming piso ang kapalit.

Pero sa pangkalahatan, ekonomiya ang nasasaktan. Maliliit na mamamayan ang nagdurusa. And watch out for the domino effect. Matagal nang nagde-demand ng taas sa pasahe ang mga nasa sektor ng transportasyon dahil hindi mapigilan ang pagtaas sa halaga ng krudong langis. Parang bulkang sasabog iyan pag nagkataon. And all is because of politics. Ito na yata ang pinakamaalab na lagnat politika na dinanas ng bansa.

Unfortunately,
hindi puwedeng magtaas lang ng kamay ang pamahalaan at sabihing wala itong magagawa porke ito’y bunga ng pamumulitika. Responsibilidad pa rin ng pamahalaan na gumawa ng karampatang aksyon, gaano man karahas para masawata ang pagbagsak ng halaga ng piso.

BANSA

DAHIL

HANGGANG

KAPAG

MAAARING

MALILIIT

MANTAKIN

MATAGAL

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with