Kadalasang mga Intsik at Hapon ang sinasabing nagmamantini ng mga laboratoryo na may mga katulong na Pilipino sa pagma-manufacture ng shabu. Pero ang nakapagtataka pawang small time ang nahuhuli at walang bigtime drug lords. Mga sisiw lang ang nadarakip.
Patuloy din ang pamamayagpag ng mga jueteng lords. Naireport na maraming mga nagpapa-jueteng sa ibat ibang lugar na nadakip at ilang mayayabang na elemento sa kapulisan ang nag-anunsyo na nalipad na ang mga jueteng operators at maraming lugar na sa Pilipinas ang jueteng-free. Gaya ng mga nasa illegal drug syndicates, mga sisiw lang at walang big time jueteng lords na naaaresto.