Sinabi ni OWWA bossing Virgilio Angelo, bagamat nakikiramay siya sa pagkamatay nina Dolly Estrellanes at Jeanebe Bagaforo na kapwa nalunod nang tumaob ang kanilang sinasakyang speed boat sa Kiso River sa Osaka, Japan.
Ika nga, life must go on!
May kabuuang P1,554.861 (US$27,940) ang ibinigay sa bawat pamilya ng mga nasawi.
Sina Jeanebe at Dolly ay kasama sa picnic ng mga empleyado ng Sunpay Productions Co., Ltd. of Japan, nang maganap ang trahedya.
Tinanggap ng mga pamilya ng biktima ang pitsa bilang bayad pinsala sa isang simpleng seremonya sa OWWA.
Ang P3 million ay personal na binigay ni Sumio Hayashi, ang kanilang Japanese employer.
Si Estrellanes, ay dead-on-arrival sa isang ospital, samantalang ang bangkay ni Bagaporo ay hindi na nakita.
Dumating ang labi ni Estrellanes sa NAIA, matapos ang ilang buwang pananatili nito sa isang morgue sa Osaka.
Kawawa naman ang dalawang biktima anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Talagang ganyan ang buhay.
Buti na lang at nabigyan ng maayos na libing at pera ang pamilya ng dalawang biktima, sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
Basta si Angelo ang nasa OWWA, nakakatiyak ang ating mga bagong bayani na hindi sila mapapabayaan.
"Ok ba si Angelo?
"Of course, wala naman itong masamang record sa mga inalisan niyang hotraba.
Sana diyan na lang sa OWWA si Angelo.
Bakit naman?
Para lalong maraming matulungan.
Sana nga!