^

PSN Opinyon

"Trigger happy na pulis?"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SI ROLANDO ONIA, 34 YEARS OLD, ISANG TRICYCLE DRIVER, TAGA SAN MATEO RIZAL AY BINARIL AT NAPATAY SA ISANG NAKTAF CHECKPOINT SA MAY BATASAN HILLS, MALAPIT SA SAN MATEO BRIDGE NUNG JANUARY 16, 2003.

Inilapit ang kasong ito sa amin sa programa ni kaibigang Ramon Tulfo, kung saan ako ang director ng programa.

Si Rolando ay isang tao na nangaling na sa Philippine Hospital for Mental Health. Maayos na sana siya, subalit isang dagok ang nangyari sa kanyang buhay ng mamatay ang kanyang ama itong kapapasok pa lamang ng bagong taon. Para maibsan ang kanyang lumbay sa pagpanaw ng kanyang ama, si Rolando ay namamasyal ng madaling araw, sakay ng kanyang motorsiklo at dumaraan sa bahay ng kanyang kumpare sa Batasan Hills kung saan siya nakikipagkwentuhan at nagkakape muna bago kumayod at magtrabaho.

Nitong January 16, naisipan niyang lumabas ng bahay mga bandang alas sais ng umaga. Ito na ang kahuli-hulihan niyang pagpasyal, dahil pagdating sa Naktaf checkpoint. Binaril siya kung saan tinamaan siya sa may dibdib ng isang pulis na si P01 Frederick Gracilla.

Bakit siya binaril? Patay na si Roando at hindi na malalaman ang kanyang panig ng kwento. Tanging ang salaysay lamang ng pulis na si P01 Gracilla ang mapapakinggan. "Dead men tell no tales."

Bagamat may tama na sa dibdib si Rolando, nakuha pa nitong imaneho ang kanyang motorsiklo at pumunta sa tapat ng bahay ng kanyang kumpare na si Juanito Reyes.

"Nakarinig ako ng putok kaya lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Rolando na parating sa tapat ng bahay naming. kis ang kanyang motor. Tumigil siya at nakita kong duguan siya. Tanging nasabi niya sa akin ay binabaril daw siya ng pulis," salaysay ni Juanito.

Sa di kalayuan, nakita ni Juanito na parating ang isang police motorcycle, big bike na lulan ang dalawang pulis. Marami na ring taong lumapit kay Rolando.

Hindi tumuloy ang mga pulis sa motorsiklo at bumuwelta ito at nagbalik sa checkpoint area. Ganun din ang owner jeep na lulan ang ilan pang pulis.

Itinakbo si Rolando sa East Avenue Medical Center kung saan siya pumanaw. Bakit binaril si Rolando Onia?

Ayaw magbigay ng pahayag si P01 Gracilla, sa payo na rin daw ng kanyang abogado. Sa korte na lang daw sila magkita.

Ang kasong ito ay hinawakan ng aming veteran researcher na si Ms Alin Ferrer. Nakakuha si Alin ng Sinumpaang Salaysay ni P01 Gracilla at nakasaad dun na dumating daw itong si Rolando sakay ng kanyang motorsiklo at naghahamon ng away. Sa katunayan daw ay tatlong beses daw silang binangga ni Rolando habang siya ay nakaangkas sa isa pang pulis upang hulihin itong si Rolando. Nakita raw ni P01 Gracilla na parang may binubunot itong si Rolando sa kanyang likuran kaya inunahan nitong bunutin ang kanyang 9mm pistol at binaril si Rolando sa dibdib at pati na rin ang gulong ng motorsiklo ng biktima.

Nagawa ito ni P01 Gracilla habang nakasakay siya sa motorsiklo at tumatakbo ito. Patalikod pa niyang binaril si Rolando. Aba, daig pa pala nitong si P01 Gracilla si Lito Lapid sa galing bumaril mula sa kanyang kabayo. Ano ba talaga ang nangyari? Kung tatlong beses silang binangga ng motorsiklo ni Rolando habang nakasakay sila sa kanilang motorsiklo, di sana sumemplang na silang pareho.

Ang Naktaf checkpoint ng puntahan ng staff ng programa ay magkabilaan. Maraming pulis ang nakatalaga. May owner jeep pa at mobile unit. Kung gugustuhin lang, kayang mahabol ang motorsiklo ni Rolando dahil pang tricycle lamang ito. Ngunit bakit kinailangan barilin. Uulitin ko, ang galing naman bumaril nitong si P01 Gracilla at sa dibdib ang tama ni Rolando. Lusot-lusutan ang bala. Mahirap tumama ng tao na nakasakay sa motorsiklo lalo na isang moving target ito. Moving target kaya si Rolando? Baka naman nakahinto na ito kaya naging mas madaling barilin ito ni P01 Gracilla at pati ang gulong ng motorsiklo ay natamaan din niya. Ang nipis ng gulong ng motorsiklo. Kaya ni P01 Gracilla na patamaan ito habang tumatakbo silang pareho.

Ang mga tricycle drivers sa lugar na yun ang hindi na bago sa mga pulis sa checkpoint ng Naktaf. Sa katunayan, madalas daw silang magdala ng merienda sa mga iyon. Mga tinapay, softdrinks para huwag lamang silang abalahin. Kahit kasi hindi nila trabaho at checkpoint sila, nanghuhuli sila at nagbabaklas ng plaka ng motor ng mga tricycle, Hindi ba nila kilala si Rolando na madalas magdala ng merienda sa kanila.

Ano ang totoong nangyari? Abangan ang kabuuan ng storya, bukas, Sabado sa "Isumbong mo kay Tulfo," 6 to 7 pm sa RPN 9.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

ANG NAKTAF

ANO

GRACILLA

KANYANG

MOTORSIKLO

P01

PULIS

ROLANDO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with