^

PSN Opinyon

Nahahalungkat na ang kasingit-singitan ni Kabayan pero nakangiti lang siya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SANGKATERBANG isyu na ang ibinabato kay vice presidentiable Noli de Castro pero hindi natitinag ang tsansa niya kung ang naglalabasang survey ang paniniwalaan. Pero kung patuloy ang kanyang pananahimik, baka ang akala ng mga masugid niyang tagahanga ay totoo lahat ng mga akusasyon sa kanya. Mula kasi nang pasukin ni Kabayad… este Kabayan ang pulitika, eh mukhang nagkagulo na ang buhay niya. Kung mamasdan si Ka Noli sa kanyang programang Magandang Gabi Bayad… este Magandang Gabi Bayan pala, eh palaging naka-ngiti siya at walang makapagsabi na marami siyang problema. Pero dito sa pulitika, nahalungkat pati kasingit-singitan ng buhay niya na kung hindi siya magaling magdala ay baka tuluyan na siyang mahilo nga, he-he-he! Ganyan talaga ka-dirty ang politics sa bansa natin, di ba mga suki?

Hindi pa nga namamatay ang isyu na binayaran siya ng kampo ni Presidente Arroyo ng P750 milyon para maging running mate niya eh heto’t marami na namang tsismis ang nagsusulputan. Nakabuntot sa usaping ito ang P500 milyon juetenggate mula sa Pampanga. Mukhang hindi hihinto itong mga kritiko ni Kabayan hanggang madapa siya sa darating na May elections, di ba mga suki?

Ang puntirya naman ng mga kritiko ni Kabayan sa ngayon ay ang kanyang lovelife. Ayon sa kumakalat na balita, itong si Pinoy Valentino natin ay nagbenta ng bahay diyan sa Romarosa matapos ang siyam na buwan na ang naging biktima ay pamangkin mismo ng misis niya. Meron din daw practicumer sa TV patrol na alyas Tess na nagdurusa sa ngayon dahil nagiba ng machong TV host ang kinabukasan niya. Di ba itong si Kabayan ay may anak din sa ibang babae na si Tonton. Eh kung si Tonton ay napabalitang hindi niya sinusuportahan tulad ng tuition at iba pang panggastos, paano na lang itong dalawang babae na nakaugnayan niya? ‘‘Kung pang-matrikula ay hindi siya makapagbigay eh pang-lampin pa kaya?’’ ’Yan ang katanungang umiikot sa ngayon sa mga barber shops sa Metro Manila, he-he-he! Dapat lang sigurong ibuka na ni Kabayan ang kanyang bibig sa isyu na ito, di ba mga suki?

Kaya dapat magsalita si Kabayan ay dahil sa ibinigay na ehemplo ng kanyang kritiko ang kaso in re-electionist Sen. Rodolfo Biazon. Matapos kasing akusahan ni Presidentiable Raul Roco na tumanggap si Pong ng P30 milyon suhol para umanib sa partido ni GMA, eh nag-alboroto ito at nagbanta pang mag-file ng libel dahil sa tingin niya niyurakan ang pagka- tao niya. Eh, bakit itong si Kabayan sobrang tahimik sa lahat ng naglalabasang isyu sa kanya lalo na sa aspeto ng extortion? Bakit ayaw saklolohan ng partido niya itong si Kabayan sa mga negatibong balita na mabilis kumalat sa kalye? Kung sabagay, sa tatlong taon ni Kabayan sa Senado eh tatlong panukalang batas lang ang kanyang ginawa. Ang nakapagtataka pa, panay ngakngak niya na ibaba ang presyo ng langis pero sa usapin ng PPA tahimik din siya. Totoo ba na 50 percent ang cut mo sa pork barrel mo, Kabayan Sir?

KA NOLI

KABAYAN

KABAYAN SIR

KUNG

MAGANDANG GABI BAYAD

MAGANDANG GABI BAYAN

METRO MANILA

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with