^

PSN Opinyon

Ugali ni FPJ pinag-uusapan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
BALITA noong isang araw na kamuntik na raw sinuntok ni Fernando Poe Jr. ang isang Reuters photographer nang dahil sa tinamaan ng camera nito ang kamay ng aktor. Kung hindi raw naawat ng mga kasamahan ay baka nakatikim ang photographer ng suntok na karaniwang nakikita natin sa pelikula ni FPJ na dumadapo sa mukha ng mga kontrabida na sina Paquito Diaz at Max Alvarado.

Bago pa man nangyari ito, ilang ulit nang nabalita at nasaksihan pa nga sa TV nang mapikon at nainis si FPJ sa mga media reporters. Marami sa mga nakakakilala sa action king na nagsasabi na talagang mabait at hindi masyadong maboka. Subalit ito diumano ay madaling mapikon at mabilis mag-init ang ulo lalo na raw kung marami na ang naiinom. Nang dahil dito, natatakot na tuloy dumikit at mag-interview ang mga reporters kay FPJ.

Sabagay, marami ring tao ang kamukha ng ugali ni FPJ. Ngunit ang hindi nga lamang maganda ay kinakikitaan na kaagad siya ng ganitong karakter na ngayong kandidato pa lamang siya. Papaano kung manalo na siya bilang pangulo na itinuturing bilang pinaka-makapangyarihang tao sa ating bansa? Di kaya matakot na iboto siya bilang presidente kapag parati na lamang siyang nababalitang madaling magalit at maikli ang mitsa?

Lalong hindi nakakatulong sa imahen ni FPJ ang ginagamit niyang mga pananalita na katulad ng sinabi niya noong isang araw na ang mga kalaban niya ay "baka hindi na sikatan pa ng araw." Magaspang at hindi magandang mapakinggan ito sa isang nais mamuno ng ating bansa. Nawa ay hindi gamiting ehemplo ito ng kanyang mga tagasunod at mga taga-suporta sapagkat malamang na maging marumi at hindi kanais-nais ang mangyayari sa ating bansa.

Kami ay umaasa na matutuhan sana ni FPJ na maging mahinahon at magpakita ng magandang halimbawa sa kanyang mga kasamahan lalo’t mayroong mga pagbabantang nanggaling sa kampo ng action king na maaaring magkagulo kapag naglabas ng desisyon ang Supreme Court na ma-disqualify si FPJ nang dahil sa citizenship case laban sa kanya. Kung may problema man si FPJ sa ipinag-uutos ng batas tungkol sa kanyang citizenship, kami ay naniniwala na tunay na Pilipino siya sa puso at pag-iisip kung kaya’t ang susundin niya ay kung ano ang nararapat at makatarungan na makabubuti sa ating bansa.

vuukle comment

FERNANDO POE JR.

FPJ

KUNG

LALONG

MAGASPANG

MAX ALVARADO

PAQUITO DIAZ

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with