Dumating sila sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilang tao ang isang bulag at hiniling na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata at saka ipinatong ang kanyang mga kamay. "May nakikita ka na bang anuman?" tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang sabi, "Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit silay parang punongkahoy." Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag; itoy tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakikita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan."
Ginamit ni Jesus ang kanyang lura at bahagyang nakakita ang bulag na lalaki. Nakita ng lalaki ang mga tao na animoy mga punongkahoy. Sa ikalawang pagkakataon, inilagay ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata ng lalaki. At nooy maliwanag na ito nakakita. Pinagsabihan ni Jesus ang lalaki na huwag bumalik sa kanyang bayan. Ayaw ni Jesus na malaman ng ibang tao ang tungkol sa himala.
Napaka-mapagpakumbaba ni Jesus. Hindi niya ipinangangalandakan ang kanyang kapangyarihang magpagaling. Gumagawa siya ng kabutihan at iyon ay sapat na.