^

PSN Opinyon

Bulag na nakakita

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MAY ilang kuwento sa Ebanghelyo tungkol sa mga bulag na binigyang-paningin ni Jesus. Subalit ang kuwento sa Ebanghelyo ngayon mula kay Mark ay tungkol sa pagpapanumbalik ni Jesus sa paningin ng isang tao nang baha-bahagi (Mk. 8:22-26).

Dumating sila sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilang tao ang isang bulag at hiniling na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata at saka ipinatong ang kanyang mga kamay. "May nakikita ka na bang anuman?" tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang sabi, "Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit sila’y parang punongkahoy." Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag; ito’y tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakikita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan."


Ginamit ni Jesus ang kanyang lura at bahagyang nakakita ang bulag na lalaki. Nakita ng lalaki ang mga tao na animo’y mga punongkahoy. Sa ikalawang pagkakataon, inilagay ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata ng lalaki. At noo’y maliwanag na ito nakakita. Pinagsabihan ni Jesus ang lalaki na huwag bumalik sa kanyang bayan. Ayaw ni Jesus na malaman ng ibang tao ang tungkol sa himala.

Napaka-mapagpakumbaba ni Jesus. Hindi niya ipinangangalandakan ang kanyang kapangyarihang magpagaling. Gumagawa siya ng kabutihan at iyon ay sapat na.

AYAW

BETSAIDA

DINALA

DUMATING

EBANGHELYO

GINAMIT

GUMAGAWA

HUWAG

JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with