^

PSN Opinyon

Masa na naman ang inudyukan para magkagulo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NANGINGINIG sa nerbiyos ang masa dahil dito sa pananakot ng kampo ni presidentiable Fernando Poe Jr. na magmamartsa sila kapag nagdesisyon ang Supreme Court na hindi Pinoy ang manok nila. May katwiran na matakot ang masa dahil tiyak sila na naman ang magsisilbing pawn kapag nag-resort sa gulo ang kampo ni FPJ kapag taliwas sa inaasahan nila ang magiging desisyon ng High Court. Tandang-tanda pa ng masa na sila ang ginawang pansalag ng mga may gustong agawin ang gobyerno noong Mayo 1 at iba pang kilos protesta nila. Di ba ang halos lahat ng nasaktan ay ang masa? Nagantimpalaan ba sila? Eh, wala namang pagbabago ang buhay nila noong panahon ni Erap at lalo na kapag nanalo si FPJ, anang masa na nakausap natin. Kung may kumita man, ’yan ay ang mga lider ng masa na binukulan sila, he-he-he! Mukhang maagang nagising ang mga masa natin. Dapat lang no, di ba mga suki?

Ang pagbabanta ng kampo ni FPJ ay naganap nitong mga huling araw matapos umugong na magpapalabas ng 8-5 desisyon ang Mataas na Korte na nagsasaad na hindi siya Pinoy. Maliwanag kasi sa mga dokumento na isinumite mismo ni FPJ sa Commission on Elections (Comelec) na ipinanganak siya ng Agosto 20, 1939, halos isang taon bago magpakasal ang mga magulang niya. Ayon sa batas (Serra vs. Republic, L-4223 12 May 1952) illegimate child si FPJ at dapat ang nationality ng ina niya na si Bessie Kelly ang gagamitin niya. Maliwanag na hindi dapat tumakbo bilang presidente si FPJ dahil hindi nga siya Pinoy, di ba mga suki?

Kaya abo’t langit ang ngitngit ng kampo ni FPJ at nagawa nga nilang magbanta na naman ng kaguluhan. Eh, ang tiyak niyan, hindi naman ang mga artista ang mangunguna sa martsa dahil takot silang masaktan kahit may pera sila. Ang inuudyukan nila ay ang masa na hindi iniisip ang future nila basta lang matugunan ang panawagan ng mayayaman at kumita ng konting salapi para isuporta sa kanilang pamilya. Pero hindi pa ba kayo nadala na hindi rin kayo halos nabayaran noong May 1 riot sa Palasyo, ha mga suki nating masa?

Ayon sa mga kausap kong masa, ang mga lider ng kaguluhan noong Mayo 1 na sina Sen. Gringo Honasan at Juan Ponce Enrile ay sa kampo na naman ni FPJ. Di ba itong mag-amo na sina Gringo at Enrile ay palaging sangkot sa kaguluhan lalo na sa pang-aagaw ng poder na gobyerno?’’ ’Yan ang tanong ng kausap kong masa. Kung sabagay, key players itong sina Gringo at Enrile sa EDSA 1, God Save the Queen at sa May 1 riot nga.

Mukhang kapag hindi nila makuha sa demokrasya ang pamunuan ng bansa eh sa santong paspasan eh kakanain nila, dagdag pa nila. Siguro, magugulantang na lang ang kampo ni FPJ kapag kokonti na lang ang susulpot sa panawagan nilang kaguluhan.

Sawa na ang masa sa gulo at gusto naman nila ang mapayapang pamumuhay na sa tingin nila ay hindi maibigay sa kanila ng lide-rato ni FPJ nga, he-he-he! Sa puting tabing maaring palaging panalo itong si FPJ pero sa batas natin mukhang may semplang siya!

AYON

BESSIE KELLY

ENRILE

FERNANDO POE JR.

FPJ

MASA

NILA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with