^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Hustisya sa mga pinatay sa Oriental Mindoro

-
WALA pang isang taon mula nang i-torture at patayin ang mga human rights activists na si Eddie Gumanoy at Eden Marcellana sa Gloria, Oriental Mindoro, eto na naman ang isa pang karumal-dumal na krimen sa probinsiyang iyon. Dalawang babae ang pinatay nang patraidor. Nakakakilabot na pati babae ngayon ay hindi na iginagalang.

Pinagbabaril hanggang sa mapatay si Vice Mayor Jovy Magsino, 34, at aide niyang Leima Fortu, 27, sa Naujan, Oriental Mindoro. Si Magsino ay kandidato sa pagka-mayor sa darating na May 10 elections. Sina Magsino at Fortu ang ika-19 at ika-20 sa mga pinatay na "parang manok" sa Oriental Mindoro.

Ang pagpatay kina Magsino at Fortu ay naganap limang oras makaraang magkampanya si President Gloria Macapagal-Arroyo at vice presidentiable Noli de Castro sa Calapan City, Oriental Mindoro. Si De Castro ay taga-Pola, Oriental Mindoro.

Dakong alas-diyes ng gabi nang pagbabarilin ng isang lalaking naka-motorsiklo sina Magsino at Fortu habang nakasakay sa isang Revo. Anim na tama ng bala ang natamo ni Magsino, tatlo sa ulo, isa sa batok at tatlo sa likod samantalang si Fortu, isang teacher, ay may dalawang tama sa likod. Walang anumang tumakas ang gunman. Nilamon ng dilim. Walang pulis o military na nakaresponde. Maraming beses na umanong nakatanggap ng pagbabanta sa text si Magsino. Sinabi na hindi na ito aabutin ng February 15. Pinatay siya noong Biyernes, Friday the 13th.

Malagim ang naging kamatayan ng dalawang babae at hustisya ang isinisigaw sa pagpatay sa kanila. Ipinag-utos na ni Mrs. Arroyo ang masusing imbestigasyon sa pagpatay. Alamin ang motibo ng pagpatay at kilalanin ang pumatay para mailapat ang hustisya.

Pulitika at military ang itinuturong dahilan sa pagkakapatay sa dalawa. Sabi ng grupong Bayan Muna, ang mga sundalong kabilang sa 204th Brigade ang may kagagawan ng pagpatay. Itinanggi naman ito ng military at itinuro ang init ng pulitika sa nasabing lalawigan ang dahilan. Sabi ng military, hindi naman patas na ibintang na lahat sa military ang mga nagaganap na patayan sa Oriental Mindoro.

Marami na ang napapatay sa Oriental Mindoro at maaaring madagdagan pa ito kung hindi kikilos ang mga awtoridad. Ang kaso nina Magsino at Fortu ay maaaring matulad sa iba pang karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng hustisya. Ang pag-uutos ni Mrs. Arroyo na magsagawa ng imbestigasyon dito ay hindi sana mabaon sa limot kagaya ng mga pangakong nilumot. Hustisya ang hinihintay ng mga kaanak ng biktima. Dakpin ang killer at ang utak sa pagpatay.

BAYAN MUNA

CALAPAN CITY

EDDIE GUMANOY

EDEN MARCELLANA

FORTU

LEIMA FORTU

MAGSINO

MRS. ARROYO

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with