Kilalanin si 'Mr. Giba' sa likod ni MR. PALENGKE
February 16, 2004 | 12:00am
MAG-IISANG taon na ngayon nung mabulabog ang "industriya ng network marketing. Ang dahilan, nagpalabas ng listahan ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga kumpanyang kanilang pinaghihinalaang pyramiding.
Kara-karakang pinangalanan ng DTI ni dating Secretary Mar Roxas ang mga kumpanyang ito. Hindi pa man nakapag-paliwanag ng kanilang mga panig, agad ikinalat sa media.
Ang malaking kapalpakan na ginawa ng DTI ay nung magpagamit ito sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ipinakalat ang mga listahan sa mga foreign post o mga embahada natin sa ibang bansa.
Layunin ng SEC at ng nakipagsabwatang DTI ni Mar Roxas, ang magbigay babala sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) natin laban sa mga kumpanyang kanilang sinentensiyahang pyramiding.
Uulitin ko lang ang aking naisulat nung mga panahong yon sa kolum kong ito, ESTUPIDO ang aksiyon ng DTI at ng SEC! Nakatuwad ang kanilang mga kukote, sa ginawa nilang trial by publicity marami ang mga nasirang kumpanya.
Baliktad ang prinsipyong kanilang ginamit, guilty until proven innocent. Hindi lang nabulabog ang industriya ng network marketing, bumagsak ang kanilang mga sales at ang iba ay hindi na nakabangon, gawa ng KAGAGUHAN ng SEC at DTI ni Mr. Mar Giba Roxas noon.
Tandang-tanda ko pa nung mapakinggan ko sa isang pang-umagang radio program ng higanteng network, nagsalita si Mar Roxas, parang siguradong-sigurado siya sa kanilang pinaggagawa.
Subalit sa likod ng kanyang pahayag sa nakikita ko ang kanyang pag-aalinlangan. Hindi niya gaano kapado kung anong tunay na nangyayari. Kumbaga, he did his best, out of a screwed up job in the first place.
Ang kasalanan nitong si Mar Roxas, nagtiwala ito sa pinaggagawa ng kaniyang mga tauhan. Kapareho niya, hindi alam ang kanilang pinaggagawa. Hindi naintindihan ng mga ito ang industriya ng network marketing.
Kumalat na ang balita nung mga panahong yon, naghahanda na raw si Mar Roxas maging vice-president? Mainit sa mata ng DTI at ng SEC ang industriya ng network marketing, maituturing unexplored territory ito para sa kanila. Nahahalintulad ng mga nalilitong pulpol sa SEC at DTI ang network marketing sa mga investment firms. Nung mga panahong yon, dumadami ang mga bilang ng biktima ng investment firms sa kanilang mga pyramiding scheme.
Pati yong mga kumpanyang lehitimot legal sa industriya ng network marketing, dinamay nila at hinalo sa mga pseudo investment firms na nasa likod ng pyramiding.
Ang masakit para sa mga kumpanyang tinamaan at wala namang kinalaman sa pyramiding tanging ang DTI at ang SEC lamang ang may kapangyarihang mag-aabsuwelto sa mga kumpanyang kanilang sinentensiyahan.
Kaya ikaw Mar Roxas, makinig ka! Bakit hindi mo isinama sa iyong pagpapakilala sa publiko, maliban sa iyong pagka-Mr.Palengke ang iyong pagiging Mr. Giba sa mga kumpanyang inyong sinira? May Karugtong

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended