^

PSN Opinyon

Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MARAMI-RAMI na ang pamilyang nakapag-avail ng Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG kung saan pinapaupahan ang mga bahay na pag-aari nito sa loob ng limang taon. Sa loob ng panahong ito maaaring bilhin ng nangungupahan ang bahay sa pamamagitan ng pagkuha ng housing loan sa Pag-IBIG Fund. Kung hindi man kinakailangang lisanin ito matapos ang limang taong pangungupahan.

Ang programang ito ay bukas sa lahat, miyembro man o hindi ng Pag-IBIG Fund. Kung ang mangungupahan ay hindi pa miyembro, kailangang magparehistro sa Pag-IBIG kung naaprubahan na ang aplikasyon.

Ang mga karagdagang kuwalipikasyon upang maging benepisyaryo sa programang ito ay may buwanang kita na hindi bababa sa P4,000 wala pang bahay na pag-aari, walang outstanding housing loan sa anumang ahensiya o banko, pribado man o sa gobyerno, may kapasidad na pumasok sa legal na kasunduan o kontrata at hindi pa nakakakuha ng bahay sa ilalim ng Rent-to-Own program ng Pag-IBIG.

Ang Pag-IBIG Fund ay nagpapaskil ng listahan ng mga bahay na maaaring paupahan sa lahat ng opisina nito; sa corporate headquarters at sa mga opisina nito sa National Capital Region at regional offices. Ang listahang ito ay palaging ina-update.

Sa ilalim ng Rent-to-Own Program magiging mas magaan ang pagbabayad ng renta sapagkat ang bahay na inuupahan ay maaaring maging pag-aari ng nangungupahan.

ANG PAG

BAHAY

IBIG

KUNG

NATIONAL CAPITAL REGION

OWN PROGRAM

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with