^

PSN Opinyon

Huwag nang makipaglokohan sa mga kandidato

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAKAKAHILO ang ginagawa ng mga presidentiables at ang mga ka-tiket nila. Paramihan sila ng mga pinupuntahang lugar upang mangampanya. May nagpupunta doon, may nanggagaling dito, may nagkikris-kros. Hindi nga marahil maiiwasan na magkasalu-salubong ang mga iba’t ibang grupo katulad ng nangyari sa campaign motorcade nina GMA at Ping Lacson noong isang araw sa Laguna.

Marahil ay nagkukumahog sa pagmamadaling makabisita sa nakakaraming lugar ang mga kandidatong ito sapagkat 90 araw lang sila maaaring mangampanya. Dati-rati ay walang ibinibigay na taning na panahon ang pangangampanya kung kaya’t hindi masyadong naghahabol ng oras ang mga kandidato.

Subalit ano ang napapansin sa mga kampanyahan ngayon? Ang mga kandidato ay nasa sasakyan na pangiti-ngiti at pakaway-kaway sa mga taong nagkakagulong nakahanay sa lansangan na malaman na naroroon dahil binayaran o ang iba naman ay gustong makita nang personal ang kanilang mga paboritong artista. Sa mga rally naman, ano ang ginagawa ng mga kandidato sa entablado? Ayun, nagsasayaw at pakanta-kanta na parang mga taong walang bait.

Ang taumbayan naman ay nakikipaglokohan din. Kung kaya’t mga palpak at mga luko-luko rin ang napipili nilang magsilbi sa bayan. Nakuha ang mga boto nila hindi dahil sa galing, karanasan at reputasyon ng kandidato kundi dahil sa pamamagitan ng pasayaw-sayaw, pakanta-kanta, pagpapatawa at ilang daang pisong lagay sa bulsa ng botante. Sino ngayon ang may kasalanan bakit mga palpak ang mga iniluklok natin sa pamahalaan? Di ba tayo rin?

Huwag nang makipaglokohan sa mga kandidato. Huwag nang dumalo sa kanilang mga motorcade at mga rally. Magastos pa ang mga yan. Himukin na lang natin ang mga kandidato na gamitin ang mga pahayagan, radyo at telebisyon sa paglalahad ng kani-kanilang mga plataporma at programa. Dito natin pagbasehan ang pagpili kung sino ang mga ihahalal natin, di po ba?

AYUN

DATI

DITO

HIMUKIN

HUWAG

KANDIDATO

MAGASTOS

MARAHIL

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with