^

PSN Opinyon

Sino ang kumita ?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SECURITY risk at istorbo sa mga departing passengers ang isang karinderya na inilagay sa gitna ng departure lobby sa NAIA Terminal 1. Pinatalsik na ito noong nakaraang buwan matapos birahin ng mga kuwago ng ORA MISMO dahil delikado ang lokasyon na pinaglagyan ng karinderya. Tiyak may gagong kumita rito kaya pilit itong ibinalik sa dating puwesto. Kung magkano ang naging usapan, iyan ang hindi alam ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Ang karinderya ay security risk ayon sa mga kasapi ng intelligence community na nagsasagawa ng security evaluation sa NAIA. Ang karinderya ay may dalawang metro lang ang layo sa entrance gate ng departure area may limang metro ang layo sa PNP-ASG x-ray machines papunta sa airline check-in counters. Noong una ay nilagyan ng mga lamesa at upuan ang karinderya pero nang bakbakan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing puwesto ay inalis ito ng pamunuan ng MIAA. Umaangal ang mga departing passengers sa hassle na nararanasan nila pagpasok sa departure area.

Hindi biro ang hassle sa airport masahol pa sa tindi ng traffic sa EDSA kaya naman buwisit na buwisit ang mga pasaherong umaalis ngayon sa NAIA. Problema pa ang mga x-ray machines dahil madalas itong magloko. Ang mga pasahero ang priority sa airport dahil kung wala sila hindi kikita ng pera ang gobyerno. Hindi biro ang kinikita ng MIAA sa mga pasahero sa NAIA sa terminal fees lang ay limpak-limpak na ang kita ng management.

"Bakit ba inilagay ang karinderya sa sensitive place?" tanong ng kuwagong maniniktik.

"Malaki siguro ang goodwill," sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Pero nasa delikado ang lokasyon ng karinderya?"

"Alam kaya ni DOTC Secretary Leandro Mendoza ito?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan ang hindi natin alam," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

ALAM

BAKIT

CRAME

IYAN

KARINDERYA

KOTONG

MALAKI

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with