Ang pagpapagaling sa pipi

ANG mga sanggol ay natututong magsalita mula sa mga tunog na kanilang naririnig. Kung sila’y bingi, maaari rin silang maging pipi. Sapagkat hindi sila makarinig ng tinig.

Sa araw na ito, sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ni Mark na pinagaling ni Jesus ang isang lalaking pipi’t bingi (Mark 7:31-37).

Pagbabalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Dison, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Jesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, "Effata," At nakarinig na ito at nawala ang pagkautal.

Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag itong ibabalita kaninuman. Ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nila itong ipinamalita. Nanggilalas sila at sinabi, "Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsalita nang tuwid ang utal."


Itala natin ang ginawa ni Jesus. Inihiwalay ni Jesus ang lalaki mula sa karamihan ng tao. Sa kanyang paglura, hinipo ni Jesus ang dila ng pipi.

Pagkatapos ay inutusan niya ang mga tainga nito na mabuksan. Narinig ng lalaki ang tinig ni Jesus. Pagkatapos, nakapagsalita na siya nang tuwid. Siya ay ganap na pinagaling.

Ang mga tao, sa kabila ng babala ni Jesus, ay hindi mapigilan ang kanilang pagkamangha. Ipinahayag nila ang mga mahimalang gawain ni Jesus.

Show comments