Multi-Purpose Loan ng Pag-IBIG

SA kaalaman ng maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund ay multi-purpose loan (MPL) na puwedeng gamitin ang mga miyembro sa panahon ng pangangailangang pinansiyal. Ang MPL ay maaaring gamitin para sa pagpapaayos ng bahay, pangkabuhayan, medikal, pang-edukasyon o kaya’y pambili ng mga kagamitang pambahay.

Upang makapag-apply sa MPL, kinakailangan ang miyembro ay may 24 buwanang kontribusyon at aktibong naghuhulog sa panahon ng loan application. Ang kuwalipikadong miyembro ay makakautang ng 60 porsiyento ng kanyang kabuuang ipon o tinatawag na Total Accumulated Value sa Pag-IBIG Fund.

Ang utang ay papatawan ng interes katumbas ng 10.75% bawat taon. Mababayaran ang utang sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng salary deduction. Kung sakaling ang miyembrong umutang ay mawalan ng trabaho habang nagbabayad pa lamang ng MPL, maaari siyang magbayad ng diretso sa sangay ng Pag-IBIG kung saan siya ay nag-apply ng MPL.

Ang MPL po ay isa lamang sa mga benepisyo ng mga miyembro sa panahon ng pangangailangan sapagkat batid ng Pag-IBIG Fund na may mga pangyayaring hindi inaasahan na biglang dumarating sa buhay ng mga miyembro at sa mga pagkakataong ito ay handang magbigay ng tulong ang Pag-IBIG Fund para sa kanila.

Show comments