Noon pa GMA si Hagedorn
February 12, 2004 | 12:00am
MAHIRAP para kay Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang mamangka sa dalawang ilog lalot malaki ang utang na loob niya sa taong tumulong sa kanya noong panahon na nakadapa ito.
Matalik na magkaibigan sila ni Fernando Poe Jr., ito kasi ang Hagedorn noong gawin ang true-to-life story ng huli na ipinalabas sa mga sinehan.
Sanggang dikit din si Hagedorn at Prez Erap kaya nga halos magpakamatay ito noong pinalalayas na ang huli sa Malacañang noong kasagsagan ng EDSA 2.
Isa si Hagedorn sa the last man standing habang mangiyak-ngiyak na umaalis si Erap sa Palasyo.
Dala ni Hagedorn ang kanyang yagba nang mabalitaan niyang naiipit si Erap sa Malacañang kaya tumakbo siya rito para lumaban patay man o buhay.
Ika nga, walang atrasan.
Pinilit ni Hagedorn na makapasok sa Malacañang para suportahan ang kanyang matalik na kaibigan.
Pero surrender si Erap at umupo ang bagong hirang na reyna sa trono dyan sa Malacañang.
Sandamakmak ang nalungkot nang mawala si Erap sa Palasyo kasama si Hagedorn noon.
Ang pagbaligtad ni Hagedorn
Nagkaroon ng recall election sa Puerto Princesa, pukpukang umaatikabo ang bakbakan sa pagka-mayor dito.
Sadsad sa gastos si Hagedorn, halos butas na ang kanyang pundilyo sa recall election.
Wala na siyang matakbuhan para mahingan ng tulong, halos nagtatago na raw kasi ang kanyang mga kaibigan, takot na mautangan.
Ang malungkot, may nakarating kay Hagedorn na balita mula raw sa bibig ni Erap na huwag nang tulungan ito dahil talo naman daw siya sa recall.
Nainis si Mayor nang makarating ang balita.
May sumaklolo kay Hagedorn si Mike Arroyo. Nag-usap ang dalawa sa isang sikretong lugar.
Sa recall election si Hagedorn ang nanalo.
"Matindi pala ang kuwento ni Hagedorn sa mga kuwago ng ORA MISMO," sabi ng kuwagong haliparot.
"Ibang makipagkaibigan si Hagedorn nilalaban niya ng patayan," anang kuwagong maninipsip ng tahong.
"Importante kasi kay Hagedorn ang utang na loob."
"Masusubukan talaga ang isang kaibigan kung nakadapa ka," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Korek ka dyan kaya kung sino ang tumulong habang nakasadsad ka, siyempre, iyan ang taong hindi mo maaaring kalimutan."
"Hindi ba ang Palawan ay Erap country?" anang kuwagong Kotong cop.
"Diyan natin makikita ang resulta kung sino ang pinagkatiwalaan ng mga botante, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended