^

PSN Opinyon

Pekeng missions order at gun ban exceptions naglipana

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGBABALA ang pulisya ukol sa mga naglilipanang pekeng mission order at gun ban exceptions ng Commission on Elections (Comelec) sa Metro Manila at Southern Luzon. Inalarma ang publiko ni Sr. Supt. Cipriano Querol Jr., hepe ng 4th Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) na nakabase sa Calamba, Laguna matapos maaresto si 2LT. Alberto Domingo na umano’y nasa likod ng raket na ito. Si Domingo, na nagpapakilalang taga-Presidential Task Force for Intelligence sa Malacañang ay inaresto kamakailan matapos iabot ng complainant na si Rodel Tapia ang P1,000 bilang kabayaran sa blankong mission order at Comelec gun ban exception sa opisina niya sa San Dionisio, Kabihasnan, Parañaque City. Nakumpiska kay Domingo ang dalawang kalibre .45 pistols at mga ebidensiya sa raket niya, ani Querol, he-he-he! Swak si Domingo ngayon sa kulungan, di ba mga suki?

Ang modus operandi pala ng grupo ni Domingo ay mag-isyu ng mission order ng Presidential Task Force for Intelligence at Comelec gun ban exceptions sa halagang P3,000 pataas. Matapos maarok ang raket ni Domingo ay kaagad nagplano si Querol na arestuhin ito at hindi sila nahirapan dahil tinanggap naman kaagad nito ang marked money ni Tapia. Pero sa totoo lang, hindi naman pumalag si Domingo at kusang sumama sa mga tauhan ni Querol.

Ayon kay Querol, kaagad niyang kinausap si Col. Delfin Bangit, ang hepe ng Presidential Security Group (PSG) na nag-isyu ng certification na ang grupo ni Domingo ay bogus. Nagpadala pa si Bangit ng dalawang tauhan sa opisina ni Querol para isailalim ito sa tactical interrogation para mabuwag ang kanyang sindikato na halos dalawang taon ng nagpapahirap ng mga civilian gun holders sa Metro Manila at Southern Luzon.

Natuklasan ng mga tauhan ni Bangit na si Domingo pala ay may kakutsaba sa katauhan ni Martin Sanciego na dating nagtatrabaho sa Palasyo. Si Sanciego ang pinaghihinalaang source ng dry seal ng Malacañang na nakumpiska kay Domingo, ani Querol. Hinahanap sa ngayon si Sanciego. Si Querol ay nakipag-coordinate rin sa Comelec at napatunayan niya na peke ang mga papeles ng gun exemptions na nakumpiska kay Domingo, na pirmado naman ni Commissioner Ralph Lantion na nagretiro na noong nakaraang linggo, he-he-he! Raket nga talaga ito.

Si Domingo ay pinasailalim sa examination sa crime laboratory sa Region 4 at positibo siya sa ultra violet powder na ang ibig sabihin ay nahawakan niya ang perang iniabot sa kanya ni Tapia. Kasalukuyan pang inaalam ni Querol kung may kaukulang papeles ang mga baril na nakumpiska sa kanya. Pero ang tiyak ni Querol ay hindi rin active sa serbisyo si Domingo matapos mag-isyu ang Philip- pine Army na wala ito sa kanilang talaan. Kung magaling mambola ng kapwa Pilipino niya si Domingo, kaya rin kaya niyang bolahin ang mga huwes na may hawak ng mga kaso niya?

ALBERTO DOMINGO

BANGIT

COMELEC

DOMINGO

METRO MANILA

PRESIDENTIAL TASK FORCE

QUEROL

SI DOMINGO

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with