^

PSN Opinyon

Mga project ng congresswman,ibinibigay lahat sa kanyang boyfriend na contractor

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang galit ngayon ang mga contractor sa kanilang congresswoman dahil ang lahat ng mga project ay ibinibigay sa kanyang boyfriend?

Ayon sa aking bubuwit, 91 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Prof. Fred Lobo ng University of the East; Bro. Atty. Tony Paguirigan ng Ilagan, Isabela; Rey Nadar, Menchie Orlina ng Western Union at Denise Lourdes Papa ng New Jersey, USA.
* * *
Alam nyo bang lahat ng mga proyekto ng isang congresswoman sa kanyang distrito ay ibinibigay sa kanyang boyfriend na contractor?

Ayon sa aking bubuwit, ang iba namang contractors ay nagtatampo ngayon sa congresswoman dahil hindi man lamang ikinakalat ang biyaya.

Ang ikinalulungkot pa ng mga local contractors, ang nakikinabang nang husto sa pork barrel ng congresswoman ang foreign contractor na boyfriend ng congresswoman.

Iba na talaga ang may pinagsamahan.

Ayon sa aking bubuwit, walang patawad ang magsiyotang congresswoman at contractor sapagkat maski malalaki at maliliit na project ay kinokopo nila.

Sabi ng mga contractor sa kanilang distrito, kahit man lang sana maliliit na proyekto ay ambunan naman sila. Kaso nga lang, maski pinakamaliit na kontrata ay ibinibigay ng congresswoman sa kanyang boyfriend.

Ayon pa sa aking bubuwit, maski mga mayor ay galit na rin kay Congresswoman dahil nawala na rin yung SOP na natatanggap nila mula sa mga contractor.

Naku, totoo naman kaya itong report ng mga contractor na substandard ang mga materyales na ginagamit ng boyfriend ni Congresswoman?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congresswoman na may siyotang foreigner na nakikinabang ngayon sa kanyang pork barrel ay walang iba kundi si…

Nagtataka nga ang marami kay Congresswoman sapagkat napakayaman nila pero parang masiba ito sa mga kontrata.

Ang foreign contractor na siyota ni Congresswoman ay isang Singaporean. Itago mo na lang siya sa pangalang Mr. M. as in Martial.

At ang siyota nitong congresswoman ay walang iba kundi si dati siyang misis ng isang basketball coach sa PBA. Kakandidato sanang senador sa ilalim ng oposisyon subalit biglang umatras baka raw dayain sa eleksiyon. Anak siya ng kilalang pamilya mula sa Luzon. Siya ay si Congresswoman I as in Inamorata.

AYON

CONGRESSWOMAN

CONGRESSWOMAN I

CONTRACTOR

DENISE LOURDES PAPA

FRED LOBO

MENCHIE ORLINA

MR. M

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with