Bakit maraming galit kay Roilo Golez
February 9, 2004 | 12:00am
MAY sakit palang amnesia si dating National Security Adviser Roilo Golez kayat nagbabanta ang taga-2nd district ng Parañaque City na huhusgahan siya sa darating na May elections. Kahit may basbas pa umano siya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, hindi magiging hadlang ito para pakainin nila ng alikabok si Golez. Naging representante nila sa Kongreso si Golez noong araw kayat tandang-tanda ng mga botante ang mga binitiwang pangako nito na ang lahat ay nabaon sa limot. Simula nang magtaksil" sa kanila si Golez, isinumpa na ng mga botante na hindi na silang muli paloloko sa kanya o sinuman sa mga alipores niya. Kaya ang battlecry sa ngayon ng taga-2nd District ng Parañaque ay Go-less, Get lost. He-he-he! Sobra talaga ang galit ng mga botante kay Golez, no mga suki?
Para hindi mawalan ng saysay ang boto nila kay Golez, minabuti na lamang ng mga botante na ituon ang kanilang pansin sa kalaban nito na si Parañaque Mayor Joey Tsong Marquez. Milya-milya ang layo ni Tsong kay Golez pagdating sa public service, anang isang botante na nakausap natin. Hindi tulad ni Golez na kulang na lang pitasin ang buwan at bituin sa langit para ibigay sa botante habang nasa itaas pa siya ng entablado. Pero kapag nanalo na, nababaon lahat sa limot ang mga pangako nya kaya tinawag siyang may amnesia, he-he-he! Baka pati plataporma niya ay makalimutan nitong si Go-less, di ba mga suki?
Kung sabagay, ni minsan naman ay hindi pa binigo ng taga-Parañaque si Tsong na naka-tatlong termino na bilang mayor. Nang humirit si Tsong ng Isa pa noong 1998 elections eh oks-na-oks ito sa taga-Parañaque. At nang kulitin niya ang mga botante ng Isa na lang noong nakaraang elections ay pinagbigyan pa rin siya. Always winner si Tsong sa Parañaque at kahit sampung Go-less man ay hindi makuha na siyay tumbahin, anang nakausap natin. Nakita kasi nila ang uri ng serbisyo ni Tsong kaya hindi sila nagsawa sa pagsuporta dito. Owww!
Ayon sa mga botante, hindi totoo na super-bagyo si Golez kay GMA dahil sa last minute eh binitiwan din siya. Di ba nangarap ring maging senador si Golez pero dahil tail-ender siya sa mga survey eh hindi siya isinali sa senate slot ng administration. Naburyong din umano si GMA sa kanya dahil marami siyang semplang sa trabaho niya bilang national security adviser. Si Golez din daw ay mahilig pumuwesto sa likod ni GMA para makuhaan ng TV o photographers ng diyaryo para may libreng propaganda. Pero may insidente raw na minsan ay binitbit ng PSG si Golez dahil inagawan pa niya ng puwesto si First Gentleman Mike Arroyo sa isang gathering sa Malacañang. Ang tulad ba ni Go-less ang dapat kumatawan sa 2nd District ng Parañaque?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended