^

PSN Opinyon

Mga INUTIL at PATAY-GUTOM na mga kawani ng embahada natin sa Riyadh

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MARAMING mga public service program sa TV na sadyang nilikha para pagsilbihan ang mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFW) natin.

Ang mga programang ito’y mapapanood sa cable channel o di naman kaya sa mga libreng channel sa TV na mapapanood nationwide.

Ilan sa mga programang ’to ay ginagamit lamang ‘‘pampapogi.’’ Makikita sa kanilang mga usapin puro ‘‘positibo’’ at mga magagandang ulat sa kabila ng sangkaterbang problema ang mga OFW natin partikular sa Riyadh, Saudi Arabia.

Akala siguro ng mga programang ’to, tanga ’yung kanilang mga manonood. Kung tutuusin ang tumangkilik ng kanilang programa ay mga kaanak at pamilya ng mga OFW na naiwan sa ating bansa.

Sa halip na sila ang dapat na takbuhan at sumbungan ng mga pamilya ng OFW, matapos maipaabot ng mismong OFW na domestic helper (DH) ang agarang saklolong kinakailangan mula sa Riyadh, iba ang nilalapitan.

Hindi kasi napag-uusapan sa kanilang programa ang mga pagdurusa, paghihirap at mapapait na karanasan ng mga OFW natin na sinapit ang kalupitan ng kanilang mga Arabung amo.

Alam ng mga OFW natin sa Riyadh, walang magagawa ang mga TV programs na ’to laban sa ilang mga TANGA, INUTIL at BATUGANG kawani ng Philippine Embassy at Overseas Workers & Welfare Administration (OWWA) natin sa nasabing bansa, na dapat frontline pagdating sa saklolo ng mga OFW’s natin.

Isa ang kolum na ’to ang pinagsusumbungan ng mga OFW domestic helper na nakauwi na sa ating bansa. Kabilang sila sa mga matagal ng nakakulong sa detention cell sa Saudi Social Welfare Administration (SSWA) dahil sa pagwawalang-bahala ng mga case officer natin mula sa embahada.

Bumisita ang isa sa kanila sa aking tanggapan upang iparating ang kanilang sumbong. Estilo ng kolum kong ito, pangalanan ang aking target.

Itong nagngangalang AMIE CALDERON, isang labor attache na hawak ay mga rape cases, hindi raw ini-entertain ang mga kawawang lumalapit sa kanyang tanggapan kapag walang pasalubong.

Kulang na lang sabihin sa akin ng DH na ‘‘patay-gutom’’ ang mahilig sa lamon na si Calderon. Maghihintay ka ng matagal depende kapag ito’y sinipag bago i-entertain dahil wala kang dalang pasalubong.

Mensahe ko sa ating Labor Attache na si Manuel Roldan, bantayan mo ang ilan sa mga hinayupak na tao mo diyan sa embahada.

Mabilis pa daw sa alas-kuwatro ang mga ito pagdating sa solicitation. Garapalan humihingi ng ‘‘abuloy’’ pang-party sa mga lumalapit na OFW natin sa Embahada.

Tandaan, hindi aasta ang mga patay-gutom na kawaning ito, kung hindi nila ito nakita sa kanilang mga dating amo. May karugtong.
* * *
Para sa inyong mga reaksyon, sumbong at reklamo type

BITAG
<space> COMPLAINTS <space> (message) at i-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) o 334 (Smart/TalknText). O di naman kaya sa aming hotline #(0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa ABC-5.

KANILANG

LABOR ATTACHE

MANUEL ROLDAN

NATIN

OFW

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WORKERS

RIYADH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with