Sa kabuuang halaga, pinakamarami ang napunta sa National Capital Region (NCR) na umabot sa humigit P2B 0 46.7% ng kabuuan. Sumunod ang Region IV, kung saan P875.8M halaga ang naipahiram para sa mga proyekto o 20.2% at ang Region III na may P396.4B o 9% ng kabuuan. Ang natitirang P798.7B o 18.3% ay napunta sa Mindanao at Visayas.
Sa kabuuan, may 138,871 na mga pamilya ang natulungan ng CMP upang magkaroon ng kaseguruhan sa lupa at paninirahan. Sa bilang na ito, 52,645 na mga pamilyang-benepisyaryo ang nakatira sa Luzon, samantala 52,392 naman ang nasa NCR.
Mula noong nilunsad ang CMP ng National Home Mortgage Finance Corporation, may 1,104 proyekto na ang naipatupad, 536 dito ang nasa NCR, 281 sa Luzon, 169 sa Mindanao at 118 naman sa Visayas.
Patuloy po ang pagsisikap ng pamahalaan upang mas maraming pamilya pa ang makinabang sa proyektong ito at mabigyan ng kaseguruhan sa lupa at paninirahan.