Ang problema po, napakataas ng interes nila at hindi sila nagbibigay ng palugit. Three days before due date pa lang, tinatawagan na kami ng mga credit card agents nila para i-check kung nagbayad na kami. Ang masama pa nun, nakaka-antagonize ang mga credit card agents nila dahil parati kang sinisindak.
Meron din pong ilan sa amin na hindi na makabayad sa credit card company na to dahil nga nagkapatong-patong na ang interes at hidden charges nila. Lalo pang nananakot at namamahiya ang mga ahente nila dahil tuwing tumatawag sila sa office para hanapin ang mga di nakabayad, kahit sinong makausap sa amin ay inaaway nila, as if we have anything to do with their inability to pay the concerned persons outstanding balance.
Nakakainis po talaga.Tinatakot pa nila ang mga di makabayad na makukulong daw sila kung di sila magbayad. Totoo ba pong makukulong ka kung di ka makabayad ng utang sa credit card? PATRICIA SISON ng Cainta, Rizal
Aba, hindi. Of course, ang utang ay dapat bayaran pero ayon sa Section 20 of Article 3 of the Philippine Constitution: No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax. This means that a person who owes another person money cannot be imprisoned simply because the borrower cannot pay his debt to the lender.
Hindi maaaring ikulong ang isang tao kung hindi ito makabayad ng utang. Ngunit maaring magsampa ang credit company ng civil case for collection upang makulekta nila ang utang at karampatang interes mula sa borrower.
Kung hindi nyo kayang kontrolin ang paggamit ng credit card at bayaran ang utang nyo, wag na lang kayong kumuha nito. Hindi nga kayo makukulong pero makakasuhan pa rin kayo upang pagbayarin ng inyong pagkakautang.
Para naman sa mga credit card agents dyan, dont antagonize your clients. Be nice to them at baka sipagin pa silang bayaran kayo. Lalo lang silang tatamaring magbayad kung maiinis sila sa inyo. Dont forget the value of having good customer relations.