Nung Pebrero 2, alas-singko medya ng hapon at papakagat na ang dilim, bigla na lamang inaresto ng Pulis Olongapo si Jeff habang naglalakad sa kahabaan ng Magsaysay Avenue. Walang warrant of arrest. Pagdating lamang sa presinto 2 na pinamumunuan ni Sr. Insp. Prudencio Thalla, binuksan ng arresting officer na si PO3 Teofilo Fami ang kanyang drawer at inilabas ang warrant. Dapat kung aaresto kay bitbit mo na ang mandamyento. Pero may kasamang panlalansi ang diskarte. Inaya si Jeff sa presinto for questioning kuno. Nun palay aarestuhin.
May Memorandum of Agreement (MOA) ang National Press Club of the Philippines (NPC) at ang PNP. Pirmado ng PNP Chief at ng Secretary of Local Governments. Hindi puwedeng arestuhin ang sino mang media practitioner na nahaharap sa kasong libelo hanggat walang koordinasyon sa NPC. Layunin ng MOA na ipinakikitang iginagalang ng gobyerno ang kalayaan ng pamamahayag. Pero na bale-wala ito. Kulong si Jeff nang magdamag. "Hindi alam" ng mga ignoramus na pulis ang tungkol sa MOA. Hindi alam o sinadyang huwag malaman? Nakalaya si Jeff nang maglagak ng piyansang P10 libo sa sala ni Olongapo City RTC Judge Ramon Caguioa ng Branch 74. Salamat din sa tulong ng Philippine Star reporter na si Bebot Sison na bagamat huliy nakapagpakita ng kopya ng MOA sa mga ignoramus.
Kinausap ako ng isang kaibigan. Tinawagan daw siya ni Mike Pusing na Information Officer ni Mayora. Idinaldal na si Jeff ay may "illegal" na ginagawa kaya siya idinemanda. Unethical yata iyan Mr. Pusing. Dapat ako ang tinawagan mo sa iyong reklamo. Bakit naman idinaldal mo pa sa kabaro kong taga ibang diyaryo? Butit kaibigan ko siya.
Hindi ko kinukonsinti ang ano mang anomalya pero patunayan muna ninyo ang akusasyon, or else Ill consider you as merely sour-graping. Samantala, patakaran ng kompanyang ito na suportahan at tulungan ang aming mga mamamahayag na naaasunto sa pagtupad ng kanilang tungkulin.