Nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Jesus, sapagkat bantog na bantog na ang panga-lan nito.
"Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko," sabi niya. Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing itoy asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya. Laging sinasabi sa kanya ni Juan, "Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid." Kayat si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan. Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya nagawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang itoy taong matuwid at banal, kaya ipinagsasanggalang niya. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.
Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. Pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya sinabi niya sa dalaga, "Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo." Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, "Ano ang hihingin ko?" "Ang ulo ni Juan Bautista," sagot ng ina. Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ni Herodes. "Ibigay ninyo sa akin ang ulo ni Juan Bautista," sabi niya. Nalungkot si Herodes, ngunit dahil sa kanyang pangako, hindi niya matanggihan ang dalaga.
Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na pugutan ng ulo si Juan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga.
Inihanda ni Juan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng isang simpleng pamumuhay sa disyerto. Si Jesus ay naglagi rin sa disyerto na kung saan siya ay tinukso ng demonyo. Si Juan ay nanindigan sa kanyang mga prinsipyo.