Kaya pala malakas ang loob ni Aling Remy na magmura sa kapulisan natin pati ang mga empleyado niya eh nakasandal siya sa asawa niyang si SPO2 Tom Sacueza, na isa sa mga malaking bookies operator sa Maynila. Itong si SPO2 Sacueza ay naka-assign sa opisina ni Supt. Abad Osit sa Logistics o D4 ng WPD. O hayan, mga suki, alam nyo na kung bakit patuloy na namamayagpag si SPO2 Sacueza dahil kinakalong siya ni Osit. Ang tiyak lang nyan eh 15-10 itong si Sacueza kayat halos hindi makita sa opisina niya. Sino kaya ang pumipirma sa attendance sheet ni Sacueza? Pakiesplika mo nga Supt. Osit Sir, he-he-he! Tiyak me milagro dito sa papel ni Sacueza.
Noong una ay patulong-tulong lang sa asawa niya si Aling Remy hanggang matuto siyang magpatakbo ng bookies nga. Pero nitong mga huling araw, para makamenos sa gastos, ang ginawa ni Aling Remy ay siya na mismo ang umaktong kabo sa ilang butas ng asawa niya kayat marami sa mga kabo ang nawalan ng trabaho. Dumirekta na rin si Aling Remy sa mga may-ari ng bahay, dinagdagan ang bayad nila at presto siya na ang financier, siya na rin ang umaaktong kabo. Kaya imbes na mapunta sa iba ang kita, doon na sa bulsa ni Aling Remy naibato ang ekstrang barya. Ang ibig kung sabihin, kung masaya si Aling Remy sa ngayon, marami ring nakapaligid sa kanya ang malungkot. Get nyo mga suki? At kapag hindi pa pinakialaman ni SPO2 Sacueza ang problemang ito, tiyak maraming delubyo ang aabutin nila kapag kaliwat kanan na ang sumbong ng mga nagugutom na personnel sa kapulisan natin pati rin sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay. Kung sabagay, mahirap hulihin ang mga puwesto ni Aling Remy dahil karamihan sa kanila eh tawag-ruta ang operation, he-he-he!
Mautak si Aling Remy pero hanggang saan ang buenas niya? Kaya naman tahimik sa ngayon ang negosyo ni Aling Remy ay dahil rin dito kay SPO4 Tom Bio na kung tawagin sa WPD ay Mr. 3-in-1. Si Bio kasi ang nangongolekta ng intelihensiya kay Aling Remy sa Station 6, opisina ni DILG Sec. Joey Lina at NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon. Si Bio rin ang operator ng sugal na color game sa Quiapo. Abangan!