^

PSN Opinyon

Jose Pidal na naman

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
IBA talaga itong si JOSE PIDAL. Sobra talaga ang pagmamahal niya kay Madam Senyora Donya Gloria.  Dati ay fund raiser siya ng tumakbo bilang Pangalawang Pangulo si Madam.  Nagkaroon tuloy siya ng iba’t ibang account sa iba-ibang banko hindi lang rito kung hindi pati sa ibang bansa.

Dahil sa sobra niyang pag-aalala kay Madam Senyora Donya Gloria, ang opisina niya sa LTA building sa Perea st., Makati ang ginamit ding war room ng ilan sa mga nagplano kung paano patalsikin si dating Pangulong Joseph Estrada.

Nang maagaw na ang Malacañang, hindi rin nagpabaya si JOSE PIDAL, kilos na naman ito at upang lubos na makatulong, ilan sa mga tao niya ang nilagay niya sa puwestong sensitibo, kasama na riyan si PAGCOR Chair Ephraim Genuino, NAIA GM Edgardo Manda at iba pa.

Ayaw niyang mahirapan si Madam Senyora Donya Gloria kaya bukod sa ilagay sa puwestong magaganda ang mga bata niya, tiniyak niya rin na makakatulong ito sa pamamagitan ng pagrereport sa kanya sa LTA.

Ewan ko lang kung ang mga report sa kanya ay papeles lang o baka naman mga MAHIHIWAGANG BAG na dinadala sa Hong Kong.

Pero kulang pa yon, gusto niya makatulong, kaya binuo niya rin ang isang grupong walang gagawin kung hindi siraan ang lahat ng kalaban ni Madam Senyora Donya Gloria.

Kasama rito si Mary "Rosebud" Ong na lahat ng taong kalaban ay ginawa niyang drug lord at alam niya raw ang operasyon ng lahat ng drug syndicate pero dito lang siya sa atin  pinaniniwalaan ng iilan.

Andiyan rin si ISAFP chief Gen. Victor Corpus, isang sundalong tumiwalag sa military at tinakbo ang mga baril sa armory ng Philippine Military Academy.  Responsable rin sa pagkapaslang ng maraming sundalo ng mamuno sa NPA diyan sa Norte bago mahuli.  Nakabalik sa military at siyempre komo loyal kay JOSE PIDAL ay naging intelligence chief.   Ano ba yan WOW Philippines o BEST in the Philippines.

Si Corpus nga pala ay parang bankero rin, kayang mag-imbento ng mga bank accounts ni Lacson at marunong din ng magic.  Kahit bahay ng sikat na artistang si Pops Fernandez ay ginawang bahay ni Lacson.

Dapat hindi siya sa military, dapat concurrent siyang hepe ng Bangko Sentral ng Pilipinas at hepe ng Land Registration Authority.

Merong pang Ador Mawanay na idinawit na ang lahat ng oposisyon at mga posibleng kalaban, lalo na siyempre si Sen. Ping Lacson, pero nung hindi na nabibigyan ay umatras at inaming nasuhulan lang siya ni JOSE PIDAL.

Iilan lang sila sa mga importanteng tao ni JOSE PIDAL.  Mga taong dapat daw pagkatiwalaan dahil hindi raw sila magsisinungaling pag nagbibintang sila sa oposisyon.

Ganoon katindi ang pagmamalasakit ni JOSE PIDAL.  Marami pa siyang nagawa upang makatulong kay Madam Senyora Donya Gloria. Upang hindi tumaas ang bilihin, milagro naman sa Bureau of Customs para madaling makapasok ang mga murang produkto ng ibang bansa.

Sa ganoong paraan, hindi nga naman tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil binaha na tayo ng mga mura at imported na produkto. Kinutsaba niya si Luciofer at para tumindi ang tuwa ng sambayanan, nag team work pa silang dalawa at nagbukas ng maraming mall sa Kamaynilaan upang magtinda ng mga imported na gamit.  Konting ingat lang, dahil yung ibang de lata ay expired na at binago lang ang expiration date.  Sabagay hindi naman sila ang malalason.

Nang mag-umpisa ang problema sa bird flu, tiniyak naman ni JOSE PIDAL na hindi mauubos ang supply natin ng manok, pinarating nila ni Luciofer ang  30 container vans ng manok na  pinuslit nila sa Batangas.  Sabagay, malaking tulong nga ito, dahil hindi nga galing sa bansang may bird flu, galing ito sa US.

Pero ayaw pa rin niyang tigilan ang pagmamalasakit, upang matiyak na maisalba ang Pilipinas sa oposisyon at mapanatili si Madam, pinatawag naman niya si Manapat at sa opisina pa niya sa LTA.  Kalusin naman si FPJ, pero tuloy pa rin ang operasyon laban kay Ping.  Sa madaling salita, ubusin ang oposisyon.

Sa Manapat operation, pinakita niya ang isa pang anyo, ang Golden Hand at pagiging historian niya. Kakainggit ano, ang galing na kakampi, sobra magmahal, tiyak marami pang ibang nagawa at ginagawa para kay Madam Senyora Donya Gloria.

Pero huwag kayong mag-alala.  Tiyak pauulit ulit pa nating makikita at marinig ang salitang JOSE PIDAL NA NAMAN.  Ganyan siya magmahal.  Meron ba kayo niyan?   Gusto n’yo ba yan? Text lang sa 09272654341.
* * *
Ang cngresmn gwa nng batas, kung may prk brrel, ilaan sa food prdctn at indstrial e2 kailangan ng tao, my pgkain n myhanap buhay pa. Mlking tulong sa mhhrap. –09163947990;  P200 milyon sana bgay nna lng sa taong bayann kamaganak lnng ng cman ang yayaman dyan. –09167883668;

Mganda po ialis nlang ang pork brrel sa mga mamba2tas mern nman tyong dpwh n cyang mama2hala pra maiwasan anng kurap kya  gnusto ng congres na maimpeach c erap. –09208923745; Dpat alisin prk brel kc yun lng ang hbol ng mga rep at sendor lalo lng tyo nghi2rap sa pb. –09162889001;

Tngglin ang pork barrel ky pl yumymn ang nka upo laki pl hhtag s knila ipingyybng p ang mga ipingwa dnmn knilang pera kundi pera ng bayan. – 85297105344; Alisin nlang ang prk brrel pra wlang away mga cgressman at senndor. –09208165762;  I salute sen. lacson sa khangahangang pni2ndigan. Dpat alisin n  yan pork barrel. –09167116132; Dpat  gyahin c super cop lacson. D nya tinangap pork brrel kc mhal nya ang byan. –09273762341; Dpat c lacson anng manalo pra lhat ng pork brrel gmitin ng byan hindi ang corrupt na mamba2tas. –09187293961;  Dpat alisin nn kasi pinagmumulan lang ng korapsyon gyahin nila c lacson. –09272107721.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

DPAT

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAMAN

NIYA

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with