Ayon sa aking bubwit, 96 days na lang, eleksyon na.
Happy birthday muna kay dating Solicitor General Frank Chavez at Mayor Randolph Ting ng Tuguegarao City.
Ayon sa aking bubuwit, kaya naman pala buhay reyna ang nasabing suspect sapagkat siya ay protektado ng jail warden. Ang jail warden ang sinasabing siyota umano at protektor ngayon ng pyramiding queen.
Maniniwala ba kayo na maporma pa rin at panay ang paganda ng nasabing reyna ng pyramiding habang nasa kulungan? Mukhang meron siyang beauty parlor sa loob ng city jail. Siya ay parating naka-postura at suot ang mga naglalakihang mga alahas.
Ayon sa aking bubuwit, parang hindi preso ang pyramiding queen sapagkat sunod lahat ang kanyang mga luho. Kahit nasa kulungan ay parang lalo pa siyang gumanda at sumeksi. Kung me asim siya noong humarap sa imbestigasyon ng Senado lalo pang dumami ang kanyang asim ngayon. Kasi, siyota pala siya ngayon ng medyo bata pa at guwapong jail warden.
Hanep, saan kaya sila nagla-love making. Sa loob ng kulungan, sa opisina ni jail warden o lumalabas at nagche-check-in sa hotel?
Puwedeng mag-session doon ng carnal knowledge kasi may sariling kuwarto at may sarili pang comfort room ang selda ng binansagang Reyna ng Pyramiding Scam.
Sabagay, ganyan yata ang nangyayari sa bilangguan, kapag nakulong ang isang babae lalo na kapag may hitsura. Kapit sa patalim, pumapatol sila sa mga jail guard at lalo na sa jail warden para sa kanilang proteksyon sa loob.
Ayon sa aking bubuwit, ang reyna ng pyramiding scam na buhay reyna naman sa loob ng bilangguan ay si
Miss Rose Baladjay.
Teka, nasaan kaya ang mister niya?
At ang siyota nitong jail warden ay walang iba kundi si
Siya ay si Supt. B. as in Batang City Jail.