^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan na ang mga manok at buwaya

-
DALAWANG linggo na ang nakalilipas mula nang misteryosong mailabas sa Batangas City Port ang 19 na container vans na may lamang manok. At kataka-takang tahimik na agad ang isyu. Wala nang naririnig tungkol dito. Nasaan na ang manok at mga buwaya? Isang linggo pa at tiyak nang lalo pang matatakpan kapag nagsimula nang mangampanya ang mga pulitiko. Ang isyu sa mga kawatan na nagpapahirap sa ekonomiya ay ganap nang malilimutan.

Limang container vans pa lamang ang nare-recover at wala nang laman ang mga ito. Ang 14 na container vans ay hindi na malaman kung saan naroon. Nasaan na ang mga manok? Wala na kahit tilaok. E ang mga buwaya? Mas lalong wala nang mabalitaan tungkol sa kanila. Hindi na malaman kung may ginagawa pang hakbang ang Bureau of Customs para mabitag ang mga "malalaking buwaya". Mayroon nang nahuli ang Customs sa pamumuno ni Commissioner Antonio Bernardo pero "maliliit na buwaya" lamang. Wala ang mga "malalaking buwaya" na malakas lumamon.

Ang pamamayagpag ng mga "buwaya" sa Customs ay matagal na. Nangunguna ang Customs sa mga pinaka-tiwaling ahensiya ng pamahalaan. Kapag binanggit ang Customs, iisa na agad ang maglalaro sa isipan ng bawat isa, at iyan ay ang "corruption". Laging nakaungos ang Customs sa BIR at DPWH kung corruption ang pag-uusapan. At kitang-kita ang ebidensiya na kahit na mensahero roon ay may mamahaling kotse at ang Customs collector ay may mga paupahang bahay, may mansion na sa garahe ay may dalawang kotse o mahigit pa.

Dahil sa mga corrupt na opisyal sa Customs kaya naging malakas ang loob ng mga smugglers. Dahil din sa kalambutan ng batas at sa ningas-kugong kampanya laban sa mga corrupt, kaya dumami ang mga buwaya sa Customs. Ngayon ay hindi lamang manok, bigas, sibuyas, kotse, motorbike, ang ini-smuggle kundi pati na rin illegal drugs. At kahit paulit-ulit bantaan ang mga corrupt, hindi sila natatakot .

Ang 19 na container vans na may lamang manok ay una nang inirekomenda ng Department of Agriculture na huwag ilalabas sa Batangas port sapagkat hinihinalang may "bird flu" virus. Nagulat ang mga ahente ng DA nang malamang nailabas na pala ang mga container vans. Sinabi ni Customs Commissioner Bernardo na mananagot ang mga opisyal na kasangkot sa smuggling.

Harinawang hindi bulaklak lamang ng dila ni Bernardo ang sinabi. Matutuwa ang taumbayan kung may mga opisyal, empleado ng Customs na maitatapon sa kulungan o kaya’y mabibitay dahil sa katiwalian.

BATANGAS CITY PORT

BUREAU OF CUSTOMS

BUWAYA

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER BERNARDO

NANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with