EDITORYAL - H'wag kalimutan ang masa na patuloy na umaasa
February 2, 2004 | 12:00am
SA February 10, 2004, hindi na dapat magtaka ang taumbayan kung makita ang mga Cabinet member ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nangangampanya para sa kanyang kandidatura. Hindi na dapat magtaka kung makita si Health Sec. Manuel Dayrit na ikinakampanya si Mrs. Arroyo gayong may banta sa pananalasa ng "bird flu" virus, SARS, at iba pa. Hindi na dapat magtaka kung makita si DILG Sec. Jose Lina na ikinakampanya si Mrs. Arroyo kahit na may problema sa jueteng at drug trafficking at si Social Welfare Sec. Dinky Soliman kahit na maraming sinalanta ng kalamidad, sunog at iba pang sanhi ng kahirapan.
Wala namang masama kung ikampanya ng Cabinet member ang presidente. Hindi ito labag sa batas sapagkat pinapayagan ang mga Cabinet member na makihalo sa political activities gaya ng pagkampanya sa kandidato sa panahon ng election, ito ang sinabi ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas. Ang reaksyon ay kasunod sa lumabas na report na inaatasan umano ng Malacanang ang lahat ng Cabinet members para ikampanya si Mrs. Arroyo. Inaatasan daw na makilahok ang lahat ng tauhan sa political activities ng presidente. Hindi naman itinanggi ni Sto. Tomas na nagkaroon nga ng Cabinet meeting noong January 7 ng taong kasalukuyan na may kaugnayan sa pangangampanya ng presidente pero wala umanong memorandum tungkol dito. Gayunman, walang lalabaging batas dito kung sakalit atasan nga ng presidente ang kanyang mga Cabinet secretaries at iba pang tauhan.
Pero ang gagawing pangangampanya ng kanyang Gabinete ay malaki ang epekto sa taumbayang naghihintay ng tulong. Kung magiging abala ang isang Cabinet member sa kandidatura ni Mrs. Arroyo paano na ang tungkulin niya sa taumbayan. Sa pagpupumilit niyang ikampanya ang presidente, isasa-isantabi niya ang para sa taumbayan.
Kahit hindi labag sa batas ang pagtulong ng isang Cabinet member sa presidente hindi ito dapat ikatwiran sapagkat ang masasakripisyo ay ang kapakanan ng taumbayan. Dapat din namang malaman na kanino ba umaasa ng boto ang isang kandidato kundi sa taumbayan na rin. Dapat na prayoridad ang mamamayan lalo pa ang mahihirap. Lalo pa sa panahong ito na maraming problema at sagad na sa hirap ang buhay. Patuloy sa pagbaba ang halaga ng piso, walang tigil sa pagtaas ang presyo ng gasoline, LPG, mga bilihin at nakaamba na ang pagtataas ng pamasahe.
Ang taumbayan ay umaasa ng tulong sa pamahalaan at hindi dapat kaligtaan dahil lamang sa nalalapit na halalan. Kahit na hindi labag sa batas ang pagtulong sa kampanya, dapat din namang isipin kung may magsasakripisyo sa hakbang na ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended