^

PSN Opinyon

Kapabayaan ng kapitan ng barko

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Captain Diego ay na-empleyo sa Barkong M/V Express, pag-aari ng DTL, isang shipping firm.

Hatinggabi ng Octobre 20, 1994, habang nakadaong sa Navotas Fish Port ang M/V Express, nakatanggap si Captain Diego ng balita mula sa radio head operator sa Japan kung saan isang malakas na bagyo ang tatama sa Maynila sa nalalapit na walong oras. Hindi ito pinan-sin ni Capt. Diego. Kinaumagahan, napansin niyang maaliwalas ang langit kaya hindi pa rin niya idinaong ang barko sa North Harbor. Mayamaya pa bandang alas-otso ng umaga napansin niya na nagdilim na ang langit kaya agad siyang nagpasya na idaong na ito sa North Harbor. Subalit huli na ang lahat dahil punong-puno na ang lugar. Bandang alas-diyes ng umaga, nang lumaki na ang alon ng 10 feet, saka lamang nagsimulang ilipat ang barko sa Vitas. Upang maiwasan ang Napocor Power barge na may 4 miles pa ang layo, inutusan niya ang kanyang crew na bilisan ang takbo ng barko kaya naiwasan nitong mabangga. Subalit nang patakbuhin muli ang barko, bumangga naman ito sa isang pader na nagresulta ng P456,198.24 na halaga ng pinsala.

Hiniling ng C&A Construction, ang nagtayo ng pader para sa National Housing Authority sa DTL ang bayad sa pinsalang natamo dahli sa kapabayaan ni Capt. Diego. Tumanggi ang DTL kaya sinampahan ito ng kaso ng C&A. Bilang depensa ng DTL, ang aksidente raw ay sanhi ng isang kalamidad kaya hindi raw ito dapat managot. Dagdag pa ng DTL, hindi naman iginiit ng C&A sa reklamo nito na nagkaroon sila ng kapabayaan sa pagpili at pamamahala sa mga empleyado nito. At dahil lisensiyado si Capt. Diego, tanging siya lamang daw dapat na sisihin at managot sa nangyaring aksidente. Tama ba ang DTL?

Mali po. Sa kasong ito, nagkaroon ng kakulangan sa pag-iingat si Capt. Diego. Nagkulang siya sa paghahanda laban sa nagbabadyang kalamidad na sana ay kanyang naiwasan.

May pananagutan din ang DTL bilang employer ni Capt. Diego. Hindi sapat ang depensa nitong lisensyado at magaling ang kapitan ng barko. Kinakailangan din ang sapat na pamamahala sa mga empleyado na sumunod sa mg alituntunin para sa ligtas na paglayag sa dagat. Samantala, sapat ang ginawang pagbanggit ng C&A na nagkaroon ng kapabayaan ang DTL at si Capt. Diego kaya nagkaroon ng aksidente.

Kaya ang DTL ay magbabayad sa C&A ng P456,198.27 plus 6% na interes kada taon mula nang isampa ang reklamo hanggang magbaba ng desisyon ang korte at 12% kada taon mula sa pinal na desisyon hanggang kumpletong mabayaran ang obligasyon (Delsan Transport Lines Inc. vs. C&A Construction Inc. G.R. 156034, October 1, 2003).

A CONSTRUCTION

A CONSTRUCTION INC

BARKONG M

CAPT

CAPTAIN DIEGO

DELSAN TRANSPORT LINES INC

DIEGO

DTL

NORTH HARBOR

V EXPRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with