^

PSN Opinyon

Paging NSO

- Al G. Pedroche -
GUSTO kong bigyang daan ang sulat ng isang concerned citizen na may reklamo laban sa Civil Registration Operation Division ng National Statistics Office (NSO).

Dear Mr. Pedroche,


Marami na ang umaangal sa kapalpakan ng Civil Registration Operation Division ng National Statistics Office lalu na sa hepe nito na si Ms. Editha Orcilla. Sigaw nila’y sibakin si Orcilla dahil sa palpak niyang pamamalakad.

Humigit kumulang sa dalawampung kabataan na kukuha sana ng eksamen sa Professional Regulatory Board sa Pebrero 7-8 ng taong ito ang umistambay hanggang sa susunod na pagbibigay ng eksamen sa Agosto 2004. Ang dahilan di sila pinayagang maging examinees ngayon.

Sa anong dahilan? Gawin nating ehemplo ang kaso ni Conrado Santiago Villaver na isa lamang sa marami pang may katulad na problema. Requirement ng PRB na magsumite ng kinakailangang papeles ang mga examinees "two to three weeks" bago ang takdang pagsusulit. Isa sa kailangang papeles ang birth certificate. Dahil dito’y kumuha ng kopya ng birth certificate si Villaver sa NSO sa East Ave., Quezon City noong Enero 16. Nang dalhin niya sa PRB noong Enero 19 sa Lepanto, Manila, napansin ng processor na taliwas ang application for examination niya ang nakasulat na taon ng kapanganakan. 1976 sa halip na 1975. Hindi naaprobahan ang aplikasyon.

Nagpunta si Villaver sa Civil Registry Office sa QC dahil isinilang siya sa East Ave. Medical Center upang idulog ang problema. Nalaman ni City Civil Registrar Ramon Matabang na tanggapan nila ang nagkamali sa pagkakasulat ng maling taon ng kapanganakan sa birth certificate. Kaya gumawa ng opisyal na kalatas si Matabang upang ituwid ang pagkakamali. Pero ito’y hindi pa rin kinilala ng tanggapan ni Ms. Orcilla.

Maraming katulad ni Villaver ang nasa ganitong kalagayan at ang tanong ng mga pobreng kabataang ito’y bakit ibinibitin ang kanilang pagkakataong makakuha ng eksamen na diya’y nakasalalay ang kanilang kinabukasan?

Sana’y magising ang mga nagpapalakad sa NSO.

Gumagalang

Enrico Juino


Umaasa rin ako na nakaabot sa kaalaman ng NSO ang hinaing na ito na binibigyang daan natin sa kapakanan ng maraming kabataang nagkakaroon ng problema sa kanilang mga dokumento ng kapanganakan. Malay n’yo, baka dumating ang araw na tumakbo sila sa public office at tulad ni Fernando Poe Jr. ay makuwestyon ang kanilang pagkamamamayan?

CITY CIVIL REGISTRAR RAMON MATABANG

CIVIL REGISTRATION OPERATION DIVISION

CIVIL REGISTRY OFFICE

CONRADO SANTIAGO VILLAVER

EAST AVE

ENERO

ENRICO JUINO

FERNANDO POE JR.

NATIONAL STATISTICS OFFICE

VILLAVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with